Mickey, ipinapatay ng manager sa TV series!
July 30, 2004 | 12:00am
Last Sunday sa The Buzz ipinagtanggol nina Kris Aquino at Dina Bonnevie si Mickey Ferriols dahil bigla nga itong namatay sa two-week old nilang teleserye, ang Hiram. Sa story kasi, best friends silang tatlo simula pagkabata pero "pinatay" na nga agad si Mickey sa story. Sabi ni Kris, alam daw talaga ni Mickey na ganoon lamang kaikli ang kanyang role dahil sa pagkamatay niya, makukuha niya ang anak nito na magiging si Heart Evangelista at sa paglaki nito, siya ang kikilalaning ina.
Pero mismong ang manager ni Mickey na si Chit Ramos ang nagsabing siya ang "nagpapatay" kay Mickey sa story dahil hiyang-hiya na siya sa production staff, kay Direk Jerry Sineneng at kina Kris dahil lagi silang naghihintay sa set sa pag-iinarte ni Mickey. Hindi raw maintindihan ng manager kung saan napapagod si Mickey, na wala namang ibang show kundi ang MTB: Ang Saya-Saya, kung iku-compare kay Kris na maraming ginagawa pero nakapagri-report on time sa taping nila. Saka kapag may taping si Mickey ng Hiram, hindi siya magri-report sa MTB dahil priority dapat nito ang taping ng teleserye na walang advanced episodes kaya hindi dapat nadi-delay ang taping.
Lalong nainis ang manager nang mag-text pa sa kanya si Mickey at sinabing kailangan daw ba niyang sumunod lagi sa mga iniuutos niya? Kaya sayang, may another 16 taping days pa sana si Mickey na P30,000 per taping day, lumipad na ito nang sabihan nga ng manager sina Direk Jerry na patayin na ang alaga niya sa story. Kung hindi nag-inarte si Mickey hanggang July 31 pa sana ang taping niya. And its too late na nang magpasya siyang muling makipagkasundo sa kanyang manager at gagawin na raw ang iniuutos nito dahil nawala na nga siya sa story.
Lalong nainis ang manager ni Mickey nang malaman nitong gusto raw kay Mr. Johnny Manahan na magpa-handle ni Mickey. Pero kung matatandaan, minsan na silang nag-away ni Mickey na nauwi sa demandahan. Na-settle out of court na lamang ito sa pangako ni Mickey na babayaran niya ang manager at muli nga silang nagsimula. May malambot na puso ang manager, muling hinawakan si Mickey at hindi pa siya humingi ng commission sa lahat ng nakuha nitong trabaho para sa alaga. Ngayon, ang dialogue na ng manager ay "talk to my lawyer," dahil sisingilin na niya ang one year commission niya kay Mickey.
Okey lamang sana sa manager kung sa kanyang family nauubos ni Mickey ang pera, pero nalaman niyang iba ang nakikinabang sa kinikita nito. Biro tuloy namin sa manager, baka lumambot na naman ang puso niya, bagay sa kanya ay ang song ni Gary Valenciano na "Di Na Natuto" dahil dalawang beses na siyang binigo ni Mickey.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended