Physically, malaki na ang ipinayat ni Judy Ann. Nag-undergo rin siya ng matinding diet. Aside from that, puyatan din ang taping ng Bastat Kasama Kita. Nag advance taping na sila ni Robin Padilla dahil paalis ito papuntang Australia sa susunod na buwan.
Ang Krystala ang isa sa pinakaambisyosong fantasy-action-drama-adventure ng ABS-CBN. Set pa lang, milyon na ang ginastos. Pati ang special effects ay pinaghahandaan na ng Roadrunner, Inc., ang premier post-production house sa bansa ngayon.
Award-winning din ang production, ang creative staff ng Krystala. Si Ricky Lee ang creative director at si Manny Morfe ang production designer.
Bukod kay Judy Ann, kasama rin sa cast ng Krystala sina Carlo Aquino, Chin Chin Gutierrez, Emilio Garcia, Desiree del Valle, Alma Concepcion, Janus del Prado at iba pa. Sina Rory Quintos at Mae Czarina Cruz ang magdidirek nito.
Sina Ryan Agoncillo at Sid Lucero ang dalawa sa tatlong leading man ni Juday. Soon ay ia-announce na ng ABS-CBN ang ikatlong leading man.
Balitang mapapaaga rin ang airing ng Krystala mula sa unang planong 1st week of September.
Dahil sa nangyari, naiba ang takbo ng buhay ni Carol. Sa kagustuhang mapagaling ang kanyang ama, kailangan ni Carol na manirhan sa Amerika. Subalit hanggang ngayon, nasa bansa pa rin ang kanyang ama. Hindi ito na-grant ng US visa. Ngayon ay naninirahan na si Carol sa Amerika.
Ang kwento ng buhay ni Carol ang isa sa highest rating episode ng Maalaala Mo Kaya. Si Kaye Abad ang gaganap bilang Carol. Sina Gina Alajar at Ricky Davao bilang mga magulang. Si Bernard Palanca bilang kapatid. Si Jerry Sineneng ang nagdirek ng episode. Si Agnes Gagelonia-Uligan ang sumulat ng script.
Kaya kung na-miss nyo ang lifestory ni Carol sa Maalaala Mo Kaya last year, pwede nyo na itong mapanood ngayong gabi.
Parehong naghahanap ng bagong mamahalin sina Luis at Desiree pagkatapos ng kani-kanilang failed romance. Si Luis has broken up with Tin Arnaldo.
"Hes very special," nakangiting sabi ni Desiree. If theres one guy closest to my heart now, its Luis."
Obvious din na mahal na mahal ni Luis si Desiree. "I love her ways, her thoughtfulness and everything about her. Shes special too," sabi ni Luis.
Nangako naman si Desiree na kapag naging officially sila, aaminin nila ito.