^

PSN Showbiz

Matindi ang ginawang paghahanda ni Judy Ann bilang 'Krystala'

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Last Tuesday ang first taping day ng Krystala, ang fantaseryeng pinagbibidahan ni Judy Ann Santos. Somewhere in Rizal ang location ng taping. Matindi ang paghahanda ni Juday para sa kanyang superhero role. Nag-undergo siya ng wushu at kung-fu lessons. Pati ang harness lessons niya ay matindi rin.

Physically, malaki na ang ipinayat ni Judy Ann. Nag-undergo rin siya ng matinding diet. Aside from that, puyatan din ang taping ng Basta’t Kasama Kita. Nag advance taping na sila ni Robin Padilla dahil paalis ito papuntang Australia sa susunod na buwan.

Ang Krystala ang isa sa pinakaambisyosong fantasy-action-drama-adventure ng ABS-CBN. Set pa lang, milyon na ang ginastos. Pati ang special effects ay pinaghahandaan na ng Roadrunner, Inc., ang premier post-production house sa bansa ngayon.

Award-winning din ang production, ang creative staff ng Krystala. Si Ricky Lee ang creative director at si Manny Morfe ang production designer.

Bukod kay Judy Ann, kasama rin sa cast ng Krystala sina Carlo Aquino, Chin Chin Gutierrez, Emilio Garcia, Desiree del Valle, Alma Concepcion, Janus del Prado at iba pa. Sina Rory Quintos at Mae Czarina Cruz ang magdidirek nito.

Sina Ryan Agoncillo at Sid Lucero ang dalawa sa tatlong leading man ni Juday. Soon ay ia-announce na ng ABS-CBN ang ikatlong leading man.

Balitang mapapaaga rin ang airing ng Krystala mula sa unang planong 1st week of September.
* * *
Due to insistent public demand, muling ipalalabas ng Maalaala Mo Kaya ang kwentong buhay ni Carol Banawa. Matatandaan na dumaan sa trahedya si Carol ng nagdaang taon nang mamatay ang kanyang kapatid dahil sa carbon monoxide poisoning. Samantalang ang kanyang ama, hanggang ngayon ay dala pa rin ang karamdaman dala ng trahedya.

Dahil sa nangyari, naiba ang takbo ng buhay ni Carol. Sa kagustuhang mapagaling ang kanyang ama, kailangan ni Carol na manirhan sa Amerika. Subalit hanggang ngayon, nasa bansa pa rin ang kanyang ama. Hindi ito na-grant ng US visa. Ngayon ay naninirahan na si Carol sa Amerika.

Ang kwento ng buhay ni Carol ang isa sa highest rating episode ng Maalaala Mo Kaya. Si Kaye Abad ang gaganap bilang Carol. Sina Gina Alajar at Ricky Davao bilang mga magulang. Si Bernard Palanca bilang kapatid. Si Jerry Sineneng ang nagdirek ng episode. Si Agnes Gagelonia-Uligan ang sumulat ng script.

Kaya kung na-miss n’yo ang lifestory ni Carol sa Maalaala Mo Kaya last year, pwede n’yo na itong mapanood ngayong gabi.
* * *
Hindi maitatanggi na mag-on na sina Desiree Del Valle at Luis Alandy. Sa birthday party ni Cristy Fermin na ginanap sa Metro Bar (along West Avenue), kamakailan, saksi ang lahat ng guest na naroon sa sweetness na nakita sa dalawa. Mukhang naka-move on na nga si Desiree mula sa isang traumatic na relasyon sa isang tomboy.

Parehong naghahanap ng bagong mamahalin sina Luis at Desiree pagkatapos ng kani-kanilang failed romance. Si Luis has broken up with Tin Arnaldo.

"He’s very special," nakangiting sabi ni Desiree. If there’s one guy closest to my heart now, it’s Luis."

Obvious din na mahal na mahal ni Luis si Desiree. "I love her ways, her thoughtfulness and everything about her. She’s special too," sabi ni Luis.

Nangako naman si Desiree na kapag naging officially sila, aaminin nila ito.

AGNES GAGELONIA-ULIGAN

ALMA CONCEPCION

AMERIKA

BERNARD PALANCA

CAROL

JUDY ANN

KRYSTALA

LUIS

MAALAALA MO KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with