Ngayon ay malaki na ang tiyan nito at maligaya naman dahil sa halip na ipa-abort ang baby ay mamahalin niya ang sanggol. Wala pa ring kasalang magaganap dahil hindi boto ang magulang ng young actress sa nakabuntis sa kanilang anak. Feeling nila ay hindi rin kayang buhayin ng nobyo ang aktres. Mabuti na lang at matatag ang kabuhayan at may trabaho ang magulang ng aktres kaya kahit pahinga muna ito sa pelikula ay may sumusuporta naman sa kanyang pangangailangan.
Ayon sa aktres, super busy siya ngayon sa taping ng Hiram at minsan ay pasikat na ang araw kung siyay dumating ng bahay. Matutulog lang ito sandali at dumidiretso na sa Good Morning Kris. Nawawalan na nga ito ng panahon kay Josh.
Dapat ay nagsisimula na ng syuting ng Que Sera, Sera si Kris pero humingi pa ito ng dalawang linggong palugit. Nasigawan nga siya ni Mother Lily nang minsang tawagan niya ito kung saan nasa kalagitnaan pa naman siya ng taping ng Hiram. "Tapos ay nagpadala pa ng message si Direk Joel Lamangan branding me as unprofessional. Sabi ko nga kay Deo (Edrinal) ay plantsahing mabuti ang aking schedule para makapagsimula na ako ng syuting," anang TV host-actress.
Sa kabilang banda, tinanong din namin si Kris tungkol sa isyung ipinatatanggal niya ang Final Four ng StarStruck na kasama niya sa movie.
"Never in my life na naging powertripper ako kahit may problema ako ngayon sa Channel 7. Kung gusto ni Mother Lily na makasama ko sila sa movie ay gusto ko na rin sila. Bakit ko naman sila idadamay sa problema ko sa Siyete?" paliwanag pa nito.
Ngayon finally ay magkatambal ang dalawa sa Mulawin at Sigaw ng Regal Entertainment. Sila ngayon ang gino-groom bilang magka-loveteam.
May balitang nagkahiwalay na sina Richard at Anne Curtis kaya hindi kaya posibleng ligawan ng gwapong aktor si Angel? Alam namin na isa ang actress sa mga crush ni Richard.
Hindi na nila kailangang mag-memorize o hindi na sila pwedeng magkamali. Kaya lang, iba pa rin kapag alam na alam mo ang iyong sasabihin dahil spontaneous ang dating.
Ngayon ay laging suot ni Jen ang regalo ni Mark.