'Tanging Ina' TV series gagawing realty shows !
July 28, 2004 | 12:00am
Kung si Ms. Aiai delas Alas ang masusunod ay ayaw na raw niyang maging reality show ang Tanging Ina dahil sitcom ito.
Katwiran kasi ng management ng Dos ay uso ang reality show ngayon at ito ang nagri-rate, kayat dapat join na rin sa uso ang Tanging Ina plus anibersaryo pa nito sa Agosto kaya dapat kakaiba raw.
"Okey naman yun, pero dapat tama na yung isa, kasi kung gagaya pa sa iba, e, di hindi na sitcom ang Tanging Ina? At saka hirap kami, heto nga, amoy tae pa rin ng kalabaw ang kamay ko, kasi nanguha kami ng kuhol sa bukid na may mga tae ng kalabaw," katwiran ni Ms. Delas Alas.
Ang episode na binabanggit ni Aiai na nanguha sila ng kuhol ay ipinalabas na last Sunday at suko rin ang ibang cast sa hirap na dinanas nila.
Say din ng staff, "Mahirap ang gustong ipagawa sa kanila ng management."
Samantala, first year anniversary ng Klownz Araneta simula kahapon, Lunes at isang linggong special shows ang mapapanood sa Klownz headed by Ms. Aiai at Allan K.
Inamin sa amin ni Ms. Redgie Acuña-Magno, program unit manager ng Mulawin na madugo ang gastos ng fantaserye na ito dahil bukod sa costumes at powerful casts ay mahal ang computer animo, kaya nga raw 13 weeks lang ito tatakbo.
Nabanggit din nito na maraming binago sa script dahil nga nagkaroon sila ng problema sa dating director nitong si Erick Salud na inabot daw ng three weeks bago isoli ang script.
"May mga twist sa istorya na binago namin, kasi hindi naman kami sigurado na hindi niya ito naikwento, di ba? Kung talagang wala siyang balak, di sana nung time na sumulat siya at nagpaalam na, di kasabay na sana nung script, di hindi pa kami nag-isip ng masama.
"E, three weeks, imagine? Sabi ko nga kay Erick, sa ginawa niyang yun, baka hindi siya umasenso kasi may tinapakan o naagrabyado siya, ganun ang mga hindi nagtatagumpay, tapos sinunog pa niya ang relasyon niya sa GMA 7? Ano ba naman yung 13 weeks, hindi na lang niya tinapos?
"Dito sa GMA 7, pinag-direk siya ng primetime show, sa kabila, hindi naman primetime? Imagine ang break na ibinigay sa kaniya, sinayang niya?" kuwento pa ni Ms. Redgie. Reggie Bonoan
Katwiran kasi ng management ng Dos ay uso ang reality show ngayon at ito ang nagri-rate, kayat dapat join na rin sa uso ang Tanging Ina plus anibersaryo pa nito sa Agosto kaya dapat kakaiba raw.
"Okey naman yun, pero dapat tama na yung isa, kasi kung gagaya pa sa iba, e, di hindi na sitcom ang Tanging Ina? At saka hirap kami, heto nga, amoy tae pa rin ng kalabaw ang kamay ko, kasi nanguha kami ng kuhol sa bukid na may mga tae ng kalabaw," katwiran ni Ms. Delas Alas.
Ang episode na binabanggit ni Aiai na nanguha sila ng kuhol ay ipinalabas na last Sunday at suko rin ang ibang cast sa hirap na dinanas nila.
Say din ng staff, "Mahirap ang gustong ipagawa sa kanila ng management."
Samantala, first year anniversary ng Klownz Araneta simula kahapon, Lunes at isang linggong special shows ang mapapanood sa Klownz headed by Ms. Aiai at Allan K.
Nabanggit din nito na maraming binago sa script dahil nga nagkaroon sila ng problema sa dating director nitong si Erick Salud na inabot daw ng three weeks bago isoli ang script.
"May mga twist sa istorya na binago namin, kasi hindi naman kami sigurado na hindi niya ito naikwento, di ba? Kung talagang wala siyang balak, di sana nung time na sumulat siya at nagpaalam na, di kasabay na sana nung script, di hindi pa kami nag-isip ng masama.
"E, three weeks, imagine? Sabi ko nga kay Erick, sa ginawa niyang yun, baka hindi siya umasenso kasi may tinapakan o naagrabyado siya, ganun ang mga hindi nagtatagumpay, tapos sinunog pa niya ang relasyon niya sa GMA 7? Ano ba naman yung 13 weeks, hindi na lang niya tinapos?
"Dito sa GMA 7, pinag-direk siya ng primetime show, sa kabila, hindi naman primetime? Imagine ang break na ibinigay sa kaniya, sinayang niya?" kuwento pa ni Ms. Redgie. Reggie Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended