Ang 3R ay isang sikat na programa sa Malaysia at nakilala rin sa Singapore na kung saan ipinalalabas ang mga previous episodes ng 3R sa Suria Channel. Pero, dito sa atin sa Pinas ay gagawan ito ng local version na tatampukan ng tatlong naggagandahang mukha sa larangan ng TV na sina Charlene Lontoc, Reema Chanco at Anna Domingo. Ang tatlo ay napili mula sa napakaraming nag-audition sa isang buwang paghahanap ng host ng GMA7.
Ang Kotex ang magiging main sponsor at magpo-produce ng bagong palabas sa apat na South East Asian countries simula sa Pilipinas.
Si Charlene o Chal, 19, ay isang Communication Arts student ng De La Salle University. Pamilyar na ang kanyang mukha dahil isa siyang parttime model na gustong maging isang TV host tulad ng kanyang idol na si Oprah Winfrey.
Si Reema, 25, naman ay isang sporty chick, image model ng Nike at napaka-hilig sa Ultimate Frisbee at gymnastics. Isa rin siyang businesswoman dahil mayron siyang restaurant na kanyang inaasikaso kapag di siya abala.
Isa namang physical therapist si Anna sa umaga at rocker sa gabi. Kabilang siya sa isang banda kung saan ay tumutugtog siya ng gitara at bongo.
Syempre, malungkot ang mawalan ng minamahal, maski na ang terorista na nagpasabog ng eroplano gaano man kasama ang kanyang ginawa ay may mga mahal din sa buhay na ipagluluksa ang kanyang kamatayan. Gaya ni Amy na gumanap ng na ng teorista. Di mo madarama lamang ang lungkot ng pagkawala ng kanyang anak, kundi lalo ang ginawa nito na naging sanhi ng kanyang pagkasawi at kamatayan din ng marami.
Ang galing ni Amy sa kanyang role, siya ang pinaka-magaling sa napakaraming artista na kasama sa pelikula although I expected more from Dina and Gloria.
Gusto nyo ng nakakaiyak na pelkula? Para sa inyo ang Beautiful Life bagaman at may happy ending sa lahat ng chacters sa pelikula.