Inamin ni Mrs. Barretto na hindi maganda ang nangyayari na nag-aaway ang kanyang mga anak. Pero ayaw nitong magpakaipokrita by saying na okey ang pamilya where in fact hindi.
Hindi sana magsasalita si Mrs. Barretto kung hindi lang dahil sa smear campaign na lumalabas bashing Claudine. Ayon kay Mrs. Barretto, "I know one person who is capable of doing these things." She referred to Gretchen as the person na nag-send kay Raymart ng text message warning him na mag-isip muna ng maraming beses bago magpakasal kay Claudine.
"Practically half of the showbiz population receive the text brigade against Claudine. Hindi ko pinalaki si Claudine para lang sirain ng isang tao, kapatid man niya o kung sinuman," sabi pa nito.
Hindi pala inaasahan ni Gretchen na magsasalita ang kanyang ina. Kaya when she saw the interview ni Cristy Fermin kay Mrs. Barretto sa The Buzz last Sunday, umiyak ito. Hindi na rin daw siya magsasalita.
Humanga ako kay Mrs. Barretto sa pagiging open sa kanyang feelings. Alam niya ang totoo kaya doon siya kumakampi. Aniya, hindi niya pipilitin ang kanyang mga anak na magkaayos sa kasalukuyan.
"Its not the time," sabi nito.
"I owe it to my staff," sabi ni Jerry. "Im happy to have been given a hardworking staff and cast. At magagaling na artista."
Proud naman si Jerry sa dalawang bidang aktres niya na sina Kris Aquino at Dina.
"Ang husay nilang dalawa," papuri nito. "Kapag ganyan ang mga artista mo, nababawasan ang hirap ng direktor. Jerry co-directs Hiram with Jerome Pobocan, director of just-concluded Sanay Wala Nang Wakas.
Itinanggi ni Jerry na naging sakit ng ulo ng staff si Mickey Ferriols. Nabalita kasi na nagiging unprofessional daw ito sa set.
"Ewan ko, pero hindi ko naman nakita yon," pagtatanggol ng direktor. "In fact, hanga ako sa husay niya. Hindi ko siya naging problema sa set."
Masayang ibinalita sa akin ni Jerry na papasok na sa Hiram ang karakter nina Heart Evangelista, Anne Curtis at Geoff Eigenmann.
"Magkakaroon ng ibang twist kapag pumasok na sila. Ang husay din ng teen cast ko."
Bukod sa main cast na sina Kris, Dina, Mickey, John, Heart, Anne at Geoff, papasok na rin sa teleserye si Christian Vasquez. "Vital ang role niya," sabi pa ni Jerry.
Nang humarap kasi itong si Mark sa presscon para sa Love 2 Love, nagtaray ito ng husto sa ABS-CBN, particularly sa mga show na katapat ng kanyang programa. Mark was quoted na, "Gagawin kong Season of Love ang Seasons of Love. Meaning one season lang.
"Nagalit si Direk Joey talaga," sabi ng kausap ko. "Hindi nga naman proper for a director na magtaray sa ibang show. Hindi naman kasi naging ugali yon ni Direk Joey.
He has been in the industry for 2 decades now pero never siyang nang-alipusta sa show ng iba.
May punto si Direk Joey. Pansamantala lang ang mga show sa telebisyon, pero ang network, magtatagal.
"E, paano nga naman kung bad shot na siya sa GMA? Saan siya magdidirek? Samantala si Direk Joey, he works for both networks. Nagdidirek siya ng soap opera sa GMA 7, then nakakapagsulat siya ng script sa ABS-CBN at gumagawa siya ng pelikula sa Star Cinema."