Gusto pa nga raw ng writer at ni Director Wenn Deramas ay may eksena si Snooky na may kasamang ahas. Hindi lang pumayag ang actress dahil may trauma ito sa ahas kaya, iba na lang ang gagawin sa kanyang character.
Gaya sa ibang cast ng fantaserye, nag-i-enjoy ng husto si Snooky sa role niyang si Esther Domingo na mother ni Marina (Claudine Barretto). Ikinatuwa rin ng husto ng actress ang desisyon ng ABS-CBN na i-extend ito up to February next year. Syempre pa, kasama rin siya sa movie adaptation nito.
"Walang nabago sa love ko kay Chynna. Kung noong kami pay 100% ko siyang mahal, ngayong break na kamiy 100% ko pa rin siyang love," pag-amin ni Railey.
So, anong problemat bakit sila nag-break at bakit hindi pa sila nagkakabalikan?
"Nagkaroon ng problema sa paligid namin at kinailangan naming mag-break. Present pa rin ang problemang yun kaya, malabo pa kaming magkabalikan. Pero, hindi sa amin ang problema kundi sa mga taong nasa paligid namin. May communication pa rin naman kami and she knows that I still love her."
Ikinuwento namin ang interview namin kay Railey sa isang reporter na very close kay Chynna. Ang reaction daw ni Chynna ay magbago muna si Railey. Ano naman kaya ang problema kay Railey? Puwes, aalamin namin ito.
Naikwento kasi ni Biboy na sinusumpong ng hika ang kanyang ex-gf pag nagseselos at kapag napapanood siyang may kissing scene sa mga nilabasan niyang TV show. Para hindi magkasakit ang ex-gf, iniwasan na lang daw niya ang lumabas sa telebisyon and before he knew ito, wala na siyang career.
O, di ba? Tipong hindi magugustuhan ni Lui ang pahayag na ito ni Biboy? Kasi naman, gamitin ba ang nananahimik niyang kapatid sa paglamlam ng career nito?
First taping pa lang ni Biancay na-impress na sa kanya si Paolo. Madali raw nitong nakasundo ang staff ng show at higit sa lahat, magaling mag-host. Sabagay, hindi na ito nakakapagtaka dahil VJ sa MYX si Bianca at madalas mag-host ng kung anu-anong event.
Malabong ma-link sina Paolo at Bianca dahil pareho na silang taken. Matagal ng boyfriend ng dalaga si Juan Elizalde at ito ang dahilan kung bakit madalas siya sa Boracay. Tinutulungan niyang mag-manage ng restaurant ang bf.
Si Paolo namay umaming may non-showbiz girlfriend na isang TV commercial model. Hindi na muna namin inalam ang pangalan ng kanyang 21-year-old gf para may itatanong kami sa susunod naming interview sa kanya.