Boyet,ayaw mag-shooting sa Iraq !
July 27, 2004 | 12:00am
Maraming nagsasabi na magkahawig ang bigote ni Christopher de Leon at Angelo dela Cruz kaya bagay itong gumanap sa filmbio ng huli. Kahit sina Direk Carlo Caparas at Donna Villa ay interesadong kunin ang serbisyo ng magaling na aktor.
Kapag natuloy ang proyekto ay balak ni Direk Carlo na kunan ang ilang eksena sa Iraq kaso, ang problema ay si Boyet dahil takot itong magsyuting doon.
Bukod sa telebisyon ay nakalinya ang dalawang pelikulang gagawin ni Boyet. Isa ang Tsinoy katambal si Mayor Vilma Santos. May offer din para itambal ito kay Nora Aunor intended for the coming Metro Manila Film Festival.
May bubuksang music bar si Angelica Jones bukas July 28 na dadaluhan ng mga kaibigan sa showbiz. Masaya ang aktres dahil natupad ang pangarap nitong makapag-invest sa isang negosyo. May mga kasosyo naman ito at ang unang branch ay itatayo malapit sa kanilang bahay. Kapag nagtagumpay siya ay balak din nilang magkaroon ng branch sa may Roxas Blvd. Bilang mabuting anak ay inihahanda rin niya ang matatag na kabuhayan para sa pamilya.
Napapanood pa rin siya sa Bastat Kasama Kita at naghihintay ng show bilang kapalit sa MTB.
Napatunayan ni Christopher Roxas kung gaano ka-ideal ni Gladys Reyes bilang asawa niya. Kaya ngayon ay kumpleto na ang kanyang buhay dahil sa pag-aasikaso sa kanya ng aktres. "Kaya naman pag-uwi ko ng bahay ay wala na akong iintindihin. Masarap magluto si Gladys lalo na ang bistek na paborito ko. Maayos ang aking mga gamit sa aparador. Ayaw nitong magugulo ang ayos ng twalya at medyas. Pati ang mga damit ko ay maayos din," kwento ng actor tungkol sa kanyang misis.
Malinis din sa pamamahay si Gladys kaya pag-uwi ni Chris ay magpapahinga na lang ito. Kulang na lang ng baby ang kanilang pagsasama pero hindi naman sila nagmamadali. "Kung kailan ipagkaloob ni Lord ang aming anak ay okay lang. At least mahaba pa ang time namin para makapag-ipon ni Gladys," dagdag pa ni Chris.
Minsan ay may dumalaw na reporter sa bahay ng isang singer-actress. Inabutang nagluluto ito sa kusina, may katulong ito na minamanduhan. Ratsada raw ang bunganga nito at isa-isang sinasabi sa katulong ang gagawin. Halos mataranta raw ang maid sa pagmamando nito.
Maya-maya ay lumabas ang aktres at lumapit sa nakaupong reporter na nasa comedor sabay tanong sa maid ng "Ano bang niluto mo Kaldereta ba o Callos?" pero, umiling ang katulong. Tiningnan ng reporter ang kawaling may takip. Nagulat ito nang makitang karnenorte lang pala ang niluluto ng maid na halos mataranta sa kamamando ng among aktres na asawa ng isa ring magaling na singer.
Kapag natuloy ang proyekto ay balak ni Direk Carlo na kunan ang ilang eksena sa Iraq kaso, ang problema ay si Boyet dahil takot itong magsyuting doon.
Bukod sa telebisyon ay nakalinya ang dalawang pelikulang gagawin ni Boyet. Isa ang Tsinoy katambal si Mayor Vilma Santos. May offer din para itambal ito kay Nora Aunor intended for the coming Metro Manila Film Festival.
Napapanood pa rin siya sa Bastat Kasama Kita at naghihintay ng show bilang kapalit sa MTB.
Malinis din sa pamamahay si Gladys kaya pag-uwi ni Chris ay magpapahinga na lang ito. Kulang na lang ng baby ang kanilang pagsasama pero hindi naman sila nagmamadali. "Kung kailan ipagkaloob ni Lord ang aming anak ay okay lang. At least mahaba pa ang time namin para makapag-ipon ni Gladys," dagdag pa ni Chris.
Maya-maya ay lumabas ang aktres at lumapit sa nakaupong reporter na nasa comedor sabay tanong sa maid ng "Ano bang niluto mo Kaldereta ba o Callos?" pero, umiling ang katulong. Tiningnan ng reporter ang kawaling may takip. Nagulat ito nang makitang karnenorte lang pala ang niluluto ng maid na halos mataranta sa kamamando ng among aktres na asawa ng isa ring magaling na singer.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended