Samantala si Kryz ay naging panauhin sa kapistahan ng Tayasan, Ilo-Ilo City kasama si Angelica Panganiban kamakailan. Marami na ring pagtatanghal ang nagawa ni Kryz. Nakasama na siya ni Kyla sa Rembrandt Hotel noon. Nakarating din siya sa Bangkok, Thailand at nakapag-show na rin siya sa Japan.
Si Marissa naman, tuloy-tuloy ang swerte sa showbiz. Hindi siya nawawalan ng sa raket sa pagkanta. Kung saan-saang key cities siya naimbitahan para mag-perform at siyempre kasama niya ang one and only love niyang si Ian.
Ingat na ingat si Marissa na tumaba dahil gusto ni Ian ay maliit lang ang kanyang katawan. Panay nga ang tanggi niya sa mga sweets na ibinibigay ng mga tagahanga niya sa mga pinupuntahan niyang lugar.
Hindi na rin niya iniintindi ang mga intriga sa kanya dahil wala naman itong katotohanan bukod sa maaapektuhan pa ang kanyang career. Ang hinaharap na lang niya ay ang mga kabutihan at magagandang balita. Wala ka naman kasing mapapala sa mga paninirang-puri. Malimit din siyang mag-guest sa mga TV shows. Nagagaya niya ang ibat ibang kilalang personalities.
Inaasahang maraming dadalo sa project na ito ng singer at komedyante na si Marissa, animoy tribute kay Mama Elay. No wonder kaya sinikap ng producer na si Mrs. Norma Evangelista ng Neostar na maituloy ang nabiting project. Minabuti nilang lumipat ng venue para maging maluwag sa mga dadalo sa concert. Nagkatambal nung una sina Marissa at Kryz noong last year sa Rembrandt hotel. Naging patok ang kanilang tambalan kung kayat naisipan na muli silang pagtambalin.
Magkakaroon din ng iba pang mga special guest bukod sa dalawang nabanggit. Magiging katulong sa proyektong ito sina Direk Eugene Asis at Noel Orsal. Vir Gonzales