Ngayong narito na ang actress-singer at gusto uling magbalik-showbiz. Magkakaroon ito ng show kaya lang, hindi na sa malaking venue kundi sa isang bar na lang. Mahirap din kasi kapag walang recording company na mangangalaga sa career o kayay isang manager na maghahanap ng malalaking booking para sa kanya. May ibubuga naman sa pag-awit ang actress-singer kung saan lagi itong nagso-show noon sa abroad.
Ayon sa aktor, hindi naman niya ito pwedeng ipagkaila dahil magkamukha sila ng bata. Para nga raw silang pinagbiyak na bunga.
Ano naman ang naging reaksyon ni Kristine na girlfriend ni Diet sa pagkakaroon nito ng anak?
Sinabi ng aktor na noong unang ipagtapat niya ang tungkol sa anak ay nagulat ito pero, natanggap din na may responsibilidad siya na dapat tuparin para sa magandang kinabukasan ng anak.
Bida si Allen sa Kapatid (Mga Babaing May Lawit) ng isang bagong film outfit. Isang closet queen ang papel niya sa pelikula. May isang eksena na babae ang kilos at hitsura niya. Para kay Allen, challenging ang role ng isang bading. Nakatoka sana ang role na ito kay Raymond Bagatsing pero di natuloy dahil busy si Raymond sa ibang commitment.
Kumusta naman ang kanyang mga investment? "Mayroon akong buy & sell business, kasosyo ang ilang kaibigan. Balak kong magtayo ng restaurant dahil tapos naman ako ng Hotel and Restaurant Management kaya magagamit ko ang aking pinag-aralan. Marunong din akong magluto gaya ng kaldereta, sinigang at pagluluto ng pagkaing-bahay," sabi niya.
Nakabili na rin ito ng farm sa Pampanga at isang magarang van. Balak niyang bumili ng lupa na pagtitirikan ng bahay sa Pampanga para sa pamilya.
Malayo na ang narating ni Allen dahil sa sipag at pagiging propesyonal sa trabaho. Malamang na matupad ang pangarap nitong maging isang magaling na dramatic actor at makakuha ng acting award someday. Mapili na rin ito sa pagtanggap ng mga movie offer at gustong mai-handle ng magagaling na direktor.
Na-miss din ni William ang showbiz kaya nag-decide na sumali sa 30 Days pero, agad siyang natanggal. Nagbago na ng imahe ang aktor dahil ginawa nito ang isang gay film na Intermates na ipinalabas sa nakaraang Pink Festival. Marami ang nagulat nang makitang nakipaghalikan siya at may bed scene pa kay Raymond Bagatsing.
"Hindi sanay ang mga tao na makita ako sa ganoong role pero nagbago na ang pananaw ko na makagawa ng naiibang role gaya nito. Wala na akong limitasyon kahit magpa-sexy pa bastat maganda lang ang project," sey nito.
Naisadula na ang buhay nito sa Maalaala Mo Kaya at personal choice sana si Angelika dela Cruz. Nagagandahan ang aktres sa naiibang istorya ng buhay nito kaya lang, hindi niya kayang maging kahit sa telebisyon kaya inayawan ito.
Sa kabilang banda, natuwa ito dahil mahusay namang nailarawan ni Desiree del Valle ang karakter ni Brandy.
Enjoy ngayon sa pagiging host ng EK Channel si Angel at sinabing kung noon ay siya ang nalalagay sa intriga ngayon ay siya naman ang nang-iintriga sa mga artista.