Inamin ni Czarina sa kanyang solo presscon na totoong nagpapalitan sila ng text ni Ram pero kaibigan lamang ang turing niya rito at hindi isang manliligaw. "Hindi ko nga alam kung nanliligaw ba siya o ano. Niyayaya niya akong lumabas. Minsan nga tinawagan ako ng mother niya at tinarayan," pagkukwento ng artista na kasalukuyang ini-enjoy ang freedom na nakuha niya matapos ang kulang sa isang taong relasyon nila ni Diego.
Sa isang liham na ipinadala nito sa ABS CBN, sinabi ng GMA Network AVP for Legal Affairs na si Dick Perez na kinokondena nila ang mga malisyosong pagbibintang ng Kapamilya Network na narinig sa programang Insider nung Hulyo 22 nang diretsahang pagbintangan sila ni Erwin Tulfo ng isang krimen sa pamamagitan ng pagnanakaw ng video footage ng ABS CBN.
Napanood sa araw ding ito, sa GMAs hourly news update na Flash Report ang live video footage ng Reuters mula sa NAIA ng pagdating ni Dela Cruz. Ito at ang mga kuha nila ang ginamit ng GMA.
Ang GMA ay subscriber ng Reuter at CNN.
Ilang ulit na tinangkang tawagan ng GMA si Charie Villa ng Reuters bago nila ipalabas ang feed ng Reuters pero hindi nila ito nakontak.
Nang lumabas naman ang reporter ng ABS CBN na si Dindo Amparo sa live Reuters feed, inihinto ng GMA ang pagbu-broadcast ng Reuters pictures at nag-switch sa live coverage ng CNN. Huli na nang malaman ng GMA na kinukuha rin ng CNN ang live feed ng Reuters pero agad nilang inihinto ang kanilang live bulletin.
Dahil dito, tinawag ng ABS-CBN na magnanakaw ang GMA Network na tinutulan nito ng malabis. ("Ang pagnanakaw Bay Serbisyong Totoo?"; "Exclusive video of ABS CBN ninakaw ng GMA7"; Pinag-iisipan ng ABS CBN na sampahan ng kaso ang GMA7 dahil sa pagnanakaw ng video" at "Okay lang po sana ang pagsisinungaling pero, ang pagnanakaw ay isang malaking krimen").
Ayon kay Tulfo ay ginamit rin ng ABC5 ang live feed ng Reuters.
Bago ang insidenteng ito, gumamit na rin ang ABS CBN ng GMA footage sa pamamagitan ng Reuters ng interview ni Vivialyn Dungca mula sa Eye To Eye. Inamin ito ng ABS CBN at ang kasong ito ay naka-pending pa sa Court of Appeals
Nung Pebrero, iniere rin ng ABS CBN ang GMA footage ng pro-FPJ rally na nakuha nila sa Reuters.
(Ganito na ba kalalim ang kumpetisyon ng dalawang networks? Bakit sa halip na pag-awayan nila ang ilang mga sinasabing exclusive footages ay magpahiraman na lamang sila, tutal naman para sa kapakanan ito ng mamamayan na siya nilang binibigyan ng serbisyo? Bakit kailangang mag-aaway pa at magbintangan?-Ed)