^

PSN Showbiz

Cinematic material ang buhay ni Angelo

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Si Angelo dela Cruz ang pinaka-popular na Pinoy sa kasalukuyan. Natural lamang na halos lahat ng mga gustong pumiktyur nakikisawsaw sa bagong celebrity/overnight sensation.

Nandyan ang mga pulitikong gustong magpabango ng public image. Ang daming nag-offer ng tulong. Biglang-yaman tuloy ang dating hostage na muntik ng pugutan ng ulo.

Pasok sa eksena pati na ang mga taga-pelikula. Unang nabalita na ang mag-asawang Donna Villa at Carlo Caparas ang gustong magsa-pelikula ng buhay ni Angelo.

Kunsabagay cinematic material ang buhay ni Dela Cruz at ang mga nangyari sa kanya bilang overseas Pinoy worker. Pati na ang naging pagsubaybay sa kanya ng lahat ng kanyang kababayan. Ang todo suporta sa sama-samang pagdadasal kahit iba’t-iba ang relihiyon o pananampalataya.

Ang isang Angelo dela Cruz ang nagbuklod-buklod sa atin. Nagkaisa tayong muli sa kagustuhan maisalba ang kanyang buhay. Nailigtas na nga siya sa tamang desisyon ng Pangulong Gloria M. Arroyo, marami pa rin ang bumabatikos. Pati lahat ng OFW’s dinadamay sa usapan.

Tunay na isang makasaysayang pangyayari ang nangyaring ito sa ating bansa; na dalawa lamang talaga ang bida–sina Angelo dela Cruz at si Presidente GMA. Ang mga ibang nakasali, mga supporting players na lang.

Interesado ang maraming kampo na isapelikula ang buhay ni Angelo. Sana naman isang mapagkakatiwalaang kumpanya na ang bigyan ng dating hostage ng film rights.

Tulad ng Viva Films na nakagawa ng Flor Contemplacion Story sa direksyon ni Joel Lamangan. Ilang ulit kong napanood ang obrang ito na nanalo pa ng mga international awards. Si Nora Aunor, nanalo ng best actress trophy as Flor Contemplacion sa Cairo International Film Festival at si Direk Joel ang naging best director.

Kung gagawin ng Viva ang Angelo dela Cruz Story, madali pa nilang makukumbinse na magkaroon ng cameo role sa pelikula as herself si Pangulong Gloria. Aba, malaki ang naitulong ng Viva at Viva stars sa nakaraang eleksyon para kay PGMA!

Isa pa, subok na ang Viva sa paggawa ng magandang pelikula na world-class ang quality.

Nakatitiyak din tayo na kahit maraming mga Kapampangan dialogs sa gagawing pelikula (dahil Kapampangan sina Angelo at buong pamilya), lalagyan ng Viva ng nararapat na subtitles o pagkasalin sa Tagalog ng mga salitang Kapampangan ng mga tauhan sa istorya.

Kaya maiintindihan natin ang pelikula ng husto. Di katulad ng nangyari sa akin sa panonood ng Chavit Singsong Story na tadtad ng mga usapang Ilokano. Malaki at mga importanteng bagay ang lumampas sa katulad kong manonood na hindi naman Ilokano, dahil hindi nga ito isinalin sa Tagalog sa pamamagitan ng subtitles.

Sigurado rin ako na magsisilbing inspirasyon ang istorya ni Angelo dela Cruz sa mga Pinoy moviegoers, lalo na sa mga OFW’s. At sana naman maiwasan ang paglabas dito ng mga taong gusto lamang na gamitin si Angelo para sa pansariling interes.

Isa pang katiyakan: Yayaman talaga sina Angelo dahil malaking halaga ang dapat ibayad sa film rights ng kanyang buhay.
* * *
Sa mga taga-Dasmariñas, Cavite at mga karatig-pook–nandyan sa Robinsons-Dasmariñas ang Masculados para sa kanilang "Nakaka..." album mall tour.

Libre ang palabas at pwede pa kayong magpa-autograph sa grupo after the 4:00 p.m. show.

Huwag n’yong hanapin doon sa Kiko Amirante. Mahigit one month na siyang nasa ibang bansa. Ang younger brother niya ang nagsasanay ngayon at baka sakaling maging bagong member ng grupo.

ANGELO

CAIRO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

CARLO CAPARAS

CHAVIT SINGSONG STORY

CRUZ

CRUZ STORY

KAPAMPANGAN

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with