Malaking bagay kay Kristine ang tanghaling reyna ng takilyat bukod sa acting award, ito ang tina-target ng lahat ng artista. Ang iba pa ngay mas importante ang kumita ang pelikula kesa magka-award.
Inalam pala namin sa ABS-CBN kung ano ang susunod na project ng actress dahil nagtatanong ang kanyang fans. Wala pang definite plan pero, may nilulutong bagong soap para sa actress at may gagawin din itong bagong pelikula sa Star Cinema.
Habang hinihintay ang bagong project sa movies at TV, magiging busy muna si Kristine sa mga show abroad para sa TFC. A-attend din ito sa premiere showing ng All My Life kapag ipinalabas sa ibang bansa. Huwag lang daw mag-apura ang fans ni Kristine dahil magagandang pelikulat teleserye ang ibibigay sa kanya.
Ayon sa nabasa namin, by October this year, tapos na ang bahay pero, year 2006 pa puwedeng magpakasal ang dalawat pauunahin nilang magpakasal ang ate ni Claudine.
Siguro naman, by the time na magpakasal sina Claudine at Raymart ay kabati na nina Claudine at Marjorie ang kaaway nila ngayong kapatid na si Gretchen Barretto. Malaking kakulangan pag wala si Gretchen sa kasal ng dalawa, no! Sabagay, sabi naman ni Gretchen sa interview sa kanya ni Richard Gomez mamaya sa S Files, gusto niyang maayos na ang problema ng kanilang pamilya.
Hindi kami sanay na magkakaaway ang Barretto sisters dahil tumatak sa isip namin ang kanilang pagkakaisa at pagdadamayan noong nagalit ang Yan family kay Claudine nang mamatay si Rico Yan. Napaka-ironic namang kung kailan nakabati na ni Claudine ang pamilya ni Ricoy sila naman ni Gretchen ang may conflict.
Isa rin ito sa may pinakamaraming cast at kabilang dito sina Ara Mina, Romnick Sarmenta, Angel Locsin, Dennis Trillo, Zoren Legaspi, Gary Estrada, Karen delos Reyes, Bearwin Meily, Bianca King at Eddie Gutierrez. Curious kaming malaman kung nag-uusap ba sa taping sina Ara at Zoren. War kasi sina Ara at Carmina, di ba?
Na-shock nga kami dahil yung wings na ginagamit ni Richard Gutierrez ay worth P100,000 daw ang isa, eh, dalawa ang ginagamit niyang wings, ang ibig sabihin, sa pakpak palang ay gumastos na ng P200,000 ang istasyon. Paano pa ang costumes ng ibang cast?
Hirap si Richard sa three times a week na taping ng fantaseryet sa San Miguel, Bulacan pa ginagawa. Nawalan siya ng night life dahil maaga siyang natutulog para makagising ng 4:00 a.m. at hindi ma-late sa 7:00 a.m. call time.
Sa August 2 at hindi pala Aug. 13, gaya nang una naming naisulat ang start ng airing ng unang fantaserye ng Ch. 7. Habang tina-type namin itoy hindi pa nai-announce kung ano ang time slot nitot kung anong show ang papalitan.
Ang nakakatakot pay ang latest na nali-link sa aming tinutukoy ay alam naming may asawat mga anak din. Wala kaming nabalitaang nakipag-hiwalay ang babae sa kanyang asawa o baka naman hindi lang nabalita.
Nakikita sa public places ang actor-politician at ang bagong nali-link sa kanya kaya, hindi maiwasang silay pag-usapan. Nang tanungin namin ang isang taong malapit sa actor-politician tungkol sa tsismis, nagulat pa itot saan daw lumabas? Hindi kami sumagot dahil feeling namin, nagkukunwari lang itong walang alam.
Sa blind item pa nasusulat ang madalas na pagsasama ng actor-politician at ang bagong nali-link sa kanya pero, sigurado kaming isa sa mga araw na itoy papangalanan na sila. Malaking iskandalo ito pag nagkataon.