^

PSN Showbiz

Heart Evangelista, pinag-aagawan ng magkapatid

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Pati ba naman ang coverage ng arrival ni Angelo dela Cruz, kailangang pag-awayan ng ABS-CBN at GMA 7. At aabot pa sa demandahan dahil ginamit daw ng GMA ang footage ng ABS-CBN 2. Sus ano ba yan. Pati ABC 5, damay na rin.

Bakit kasi may mga exclusive reports pa sila samantalang ang hindi nila alam, nagsasawa na ang tao sa kapapalabas nila tungkol sa na-hostage na si Mr. Dela Cruz.

Kahit nga si Mr. Dela Cruz pag nakita mo sa TV, hindi na halos makakaway sa pagod.

Marami nang halos ayaw manood ng news dahil isang hari ang trato kay Mr. Dela Cruz na isa lang sa napakaraming Pilipino na nakaranas ng pahirap sa ibang bansa.

Ang daming ibang puwedeng pagtuunan ng pansin ng mga news program. Tama na ang tungkol kay Mr. dela Cruz. Napansin na siya sa buong mundo.

Hindi na actually nakakatuwa. Kahit ang mga news reporter nila, over acting na kung mag-report. Nasapawan tuloy si Alex Pagulayan.
* * *
Sunud-sunod ang suwerteng dumarating kay Juliana Palermo. After siyang mapili ni Cesar Montano as leading lady sa entry ng CM Production sa Metro Manila Film Festival kung saan straight Visayan ang dialogue na gagamitin nila, heto at magkakaroon siya ng sariling talk show sa ABC 5. Wala pang definite title pero malamang na For Adults Only.

Looks like exciting ang show. Wala kasing pretension si Juliana pagdating sa mga issues kaya parang mas maganda siyang panoorin sa late night talk show.
* * *
Crush din pala ng brother ni Geoff Eigenmann na si AJ si Heart Evangelista. Si Heart lang naman ang ka-loveteam ngayon ni Geoff sa teleseryeng Hiram na base sa kwento-kwento ay mismong si Heart ang namili.

Pero ngayon, mukhang magiging magkaribal pa ang magkapatid kay Heart. "Baka mag-ala Tet Antiquiera siya," comment ng isang nakarinig kay AJ nang sabihin niya ngang crush niya ang actress. Pareho raw kasi no’ng na-in love ang magkapatid na sina Michael and Mark Gil sa dating actress.

Pero sabi naman ni AJ, wala na siyang magagawa ngayon dahil ka-loveteam na ito ng kanyang brother.

Aside from Heart, crush din niya ang anak ni Pinky Marquez na si Karel Marquez. Very pleasant daw kasi ang face ng dalawang bagets at pag tiningnan mo nang matagal, mas lalong gumaganda.

Matagal na actually na artista si AJ. Mas nauna pa siya kay Geoff - six to seven years old pa lang siya nang mag-start sa Ang TV sa ABS-CBN. Ka-batch niya noon ang grupo ni John Prats. Pero hindi siya noon masyadong napansin kaya nagbalik-eskuwela siya.

Nang magkaroon uli siya ng chance na magbalik-showbiz, sa GMA 7 siya nag-join. Nakasama siya sa Click pero support lang ang role kaya hindi siya gaanoong napansin. 

At nang mawala ang Click, nawalan na siya ng show. Since sa ABS-CBN talaga siya nag-start at andoon na ang brother niyang si Geoff, nag-decide ang manager niyang si Ricky Gallardo na ilipat ang actor. Ngayon ay kasama na siya sa Sunday youth oriented show ng Dos, ang Seasons of Love na ang main feature ay sina Shaina Magdayao and Jolo Revilla.

Walang problema sa kanya kung hindi agad main ang character niya compared to Geoff. In fact, very supportive siya sa kapatid.

Anyway, even before palang naghiwalay ang mommy Gina Alajar at Daddy Michael de Mesa nila, accepted na nila na maghihiwalay ang dalawa. Common knowledge naman kasi ang away bati na set-up ng mag-asawa kaya nang maghiwalay sila, wala nang naging problema sa kanilang tatlong magkakapatid.

Greencard holder silang lahat before pa naghiwalay ang parents nila. Actually, nag-plano na sila noon na mag-migrate sa US, pero ‘yun nga lang nagkaroon ng problema.

Next year, magta-try ang mommy niya na mamuhay sa California. Kung maganda ang mangyayari at depende sa career nilang magkakapatid, magsi-settle sila ro’n.
* * *
What do Kyla and Luke Mejares have in common? Bukod sa pareho silang magaling kumanta, loyalist sina Kyla at Luke ng PLDT Budget Card 18 cents per minute. Kapwa dumalo sa launch ng PLDT Budget Card ang dalawang magaling na singer. Napatunayan nila na mas murang tumawag sa 89 countries sa pamamagitan ng 18 cents per minute Budget Card ng PLDT.

Sa launch, nagkaroon ng pagkakataon sina Luke at Kyla na makausap sa telepono ng libre ang mga kaibigan nila sa ibang bansa. Mula noon, nangako ang dalawa na palagi na silang gagamit ng PLDT Budget Card sa tuwing gusto nilang makausap ang mga kamag-anak at kaibigan sa abroad.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail 0 [email protected]/[email protected]

vuukle comment

BUDGET CARD

CENTER

GEOFF

KYLA

MR. DELA CRUZ

NANG

NILA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with