Speaking of Sing-Galing, nakatakdang dalhin sa Japan ang nasabing programa para doon mag-taping sa buwan ng Enero sa susunod na taon na magiging co-production ng ABC-5 at ang bagong tatag na cable TV sa Japan, ang Access Television na magpapalabas ng mga Filipino programs doon at kasama na rito ang top-rating na Sing-Galing. Balak ng "Sing-Galing Goes to Japan" na imbitahan ang ilang Filipino celebrities na doon na naka-base tulad nina Marlene dela Pena at Bobby Valle na mag-guest sa nasabing programa.
Maganda na ang trabaho ni Ana Leah bilang SPA manager sa Discovery Suite, account manager at PR manager ng Chef & Brewer sa may Ortigas, iniwan niya ang mga ito upang ipagpatuloy ang kanyang naudlot na showbiz career. Si Ana Leah ay dating miyembro ng Batch 4 ng Star Circle ng ABS-CBN. Na-bore umano siya sa kanyang managerial position kaya niya binalikan ang showbiz. Si Ana Leah ay 23 yrs. old.
Hindi naman ikinakaila ni Rose Valencia (Marinelli Nicole Remoren sa tunay na buhay) na siyay naging GRO ng Pegasus bago siya nagpasok sa showbiz.
Si Alyssa Alano (19) ay Geram Valledor sa tunay na buhay. Australyano ang kanyang ama pero wala umano siyang magandang memory sa kanyang ama na never umano niyang nakita magmula nang siyay isilang. Iniwan naman siya ng kanyang ina sa pangangalaga ng kanyang tiyahin. Although sa Zamboanga siya ipinanganak, sa Tarlac City naman siya lumaki kasama ang pamilya ng kanyang tiyahin na siyang kumupkop sa kanya. Taong 1995 umano niya huling nakita ang kanyang ina.
Si Maricar naman ay Maricar Daniega (23) sa tunay na buhay. Nagtapos siya ng Hotel & Restaurant Management sa La Consolacion College. Nagtrabaho rin siya sa Singapore sa loob ng isang taon. Palibhasay pangarap niya ang maging isang aktres, iniwan niya ang kanyang trabaho para makipagsapalaran sa showbiz. Nakagawa na rin siya ng dalawang stage plays sa UP na dinirek ni Tony Mabesa at nagkaroon na rin siya ng bit roles sa ilang programa ng ABS-CBN. Kasama rin siya sa pelikulang Liberated 2 ng Seiko Films.
Si Pamela Ortiz (25) ay Marie Enriquez sa tunay na buhay. Amerikano ang kanyang ama at apat na taon naman siya nang siyay ipaampon sa kanyang mga kinikilalang magulang ngayon.