Pinabulaanan naman ni Nadine ang lahat ng napapabalita tungkol sa kanila. "Malapit lang kami sa isat isa dahil wala namang dahilan para mag-iwasan. Kailangan lang namin ang bonding para sa aming programa. Wala naman pong masama kung manligaw siya at kahit na sino. Karapatan nila iyon. Kay Oyo, wala akong masasabi tungkol sa kanyang pagiging super bait at napakamaalalahanin. Nahuhulog na rin ang loob ko sa kanya at hindi naman siya mahirap mahalin kung sakali, kaso lang hindi pa naman siya pormal na nanliligaw sa akin. Isa pa, hindi pa talaga ako pwedeng magpaligaw dahil may pangarap pa akong gustong marating. Sa ngayon ay priority ko ang aking pag-aaral at ang aking career bilang artista."
Ayon naman daw sa mga beloved parents ni Oyo na sina Dina Bonnevie at Vic Sotto, sang-ayon sila at botong boto kay Nadine para kay Oyo. Gustung-gusto nga raw ni Dina si Nadine kaysa naman daw manligaw pa sa iba ang anak na hindi niya nasisiguro kung matino.
May usap-usapan pa na bibigyan ng pelikula si Nadine ng M-ZET Production na makakasama niya umano ang mag-anak na Sotto. LC