Chynna,nagtatampo sa Regal

Matatandaang huling napanood si Chynna Ortaleza sa pelikulang pang-filmfest ng Regal Films noong nakaraang taon, ang Mano Po 2. Hindi pala niya inaasahan na ito na pala ang panghuli niyang assignment na taliwas sa kanyang kontrata na may tatlong pelikula pa siyang dapat gawin dito. Nag-uugat pala ito sa hindi nila pagkakaintindihan ng movie outfit.

"Nadiskubre ng mommy ko na hindi pala legal ang mga papeles ng kontrata ko sa Regal, hindi notarized. Parang ginawa nila akong isang kasangkapan na gagamitin lang kung kailangan, isasa-isangtabi na lang pag hindi. Kaya pagkatapos ng Mano Po 2 ay hindi ko na itinuloy ang iba pang movie ko sa kanila," may hinanakit na pahayag ni Chynna.

Ayon naman sa kanyang mommy, marami na umanong na-prove si Chynna kung tungkol din lang sa kanyang kakayahan sa pag-arte at hindi lamang sa kanila kundi maging sa ibang production at mga sitcom. "Bakit kailangan nilang gawin ito sa amin? Kung gusto nilang ipagpatuloy ni Chynna ang kontrata sa kanila, ipanotarize nila at gawing legal ang papers." — Luz Candaba

Show comments