"Si Julius ang mas na-tense," kwento ni Tintin. "Nag-worry talaga siya."
Dahil complete bed rest nga, kailangang mag-quit si Tintin sa kanyang regular work. Nakiusap naman siya sa kanyang doktor na kung pwedeng kahit ang hosting job lang niya sa Magandang Umaga Bayan ang gawin niya.
Nasabi ko kay Tintin na maraming babaeng buntis ang nagsasabing, normal lang ang spotting sa isang buntis.
"Oo nga, pero kapag nag-persist, ibang usapan na raw yon," katwiran ni Tintin.
The invitation says, Malugod kayong inaanyayahan sa paggunita ng masayang nakaraan. Mula sa pagtakbo sa kabukiran hanggang sa lambingan sa duyan. Pagpapasalamat, pagkilala, pagdiriwang. Hanggang sa ang landas natin ay muling magtuwang.
Ang naturang party ay isang selebrasyon din dahil sa sina Echo at Tin ang nagkatuluyan sa ending ng Sanay Wala Nang Wakas.
A total of 120 active members are participating in the party. Hindi magiging kumpleto ang thanksgiving party kung wala sina Echo at Tin. Nagpasabi ang dalawa na darating sila.
Mayroon ding video greetings ang lahat ng Echo-Tiners mula sa ibat ibang panig ng mundo.
Mula sa isang simpleng pamilya sa Compostela Valley, lumayas si Way Kurat sa kanilang lugar at nanirahan sa Cebu. Hindi naging madali ang buhay ni Way Kurat sa Cebu. Lahat ng hirap ay pinagdaanan niya. Ginawa ang lahat para kumita.
Ngayon, isa nang kinikilalang Congressman si Way Kurat. Nakilala siya nitong nakaraang eleksiyon nang tumulong siya sa pagbubuhat ng ballot boxes. At ang hindi malimutang pagtatanim niya ng kalamansi sa likod ng congress.
Ngayon, patuloy si Way Kurat sa pagtulong sa kanyang mga nasasakupan. Nagpahiwatig din siya ng pagtulong sa anak ni Angelo dela Cruz na tutulungan ang pagpapagamot ng mata nito.
Star-studded ang Kuwento ng Buhay Ni Way Kurat. Si Raymond Bagatsing ang bida. Kasama rin sa episode sina Bembol Roco, Chanda Romero, Lotlot de Leon. Glaiza de Castro, CJ Ramos, Lester Llansang at Michelle Bayle. Si Cathy Garcia-Molina ang nagdirek ng episode.
Along their way, nakilala nila sina Lisa at Kelly. Kasama nila ang dalawang babae na tutulong sa kanila sa paghahanap sa Waikato. Subalit hindi pa man nila nararating ang lugar, napadpad sila sa isang baryo at na-witness nila ang mga nakakikilabot na pangyayari.
Ang hindi nila alam, mga patay ang naninirahan sa nasabing baryo. Doon na nagsimula ang nakakapangilabot na pakikipaglaban nina Paul at Grant.
Si Greg Page ang nagdirek ng Dead People. Si Page ay kilala sa New Zealand sa pagdirek ng sikat na TV commercials at music videos. Debut directorial job ni Page ang Dead People.