Si Iza Calzado ang Darna ng GMA-7, hindi si Regine!

Dapat tularan ng mga warring couple sa showbis sina Coney Reyes at Vic Sotto. Maganda pa rin ang kanilang samahan kahit hiwalay na sila.

Two Sundays ago, pumayag mag-guest sa Daddy Di Do Du si Coney. Ang mas maganda sa kanyang gesture, nag-guest siya ng libre, as in, wala siyang tinanggap na talent fee. Niregaluhan na lang daw si Coney ng staff ng worth P40,000 gift. Maliit na halaga pa rin ito kung nagpabayad si Coney.
* * *
Nagsimula na noong July 18 ang shooting ng pelikula nina Nadine Samonte at Oyo Boy Sotto sa Regal Entertainment entitled Two Loves. Kasama ng dalawa si Iya Villania na kamakailan lang ay naka-word war ni Nadine dahil kay Oyo. Nasa cast din ang kapatid ni Oyo na si Danica Sotto.

Pero, kung pagbabasehan ang kilos nina Iya at Nadine sa story conference ng pelikula, mukhang walang away na mangyayari at matatapos ni Director Ruel Bayani sa schedule ang shooting nito. Nagbatian daw ang dalawang magandang dilag nang magkita sa storycon na ginawa sa bahay ni Mother Lily sa Greenhills. Kahit sina Iya at Oyo ay maganda ang pakikitungo sa isa’t isa.

Hopefully, hindi pa huli ang pagsasama sa pelikula nina Nadine at Oyo dahil nababalitang hindi na kasing-tindi ang panunuyo ni Oyo kay Nadine. Tuwing tinatanong daw ni Oyo si Nadine kung kailan siya sasagutin, ang laging sagot ng dalagita’y hindi pa siya ready sa commitment at mas maganda raw kung friends muna sila. Nababagot na sigurong maghintay si Oyo’t matagal na rin naman siyang nanliligaw kay Nadine.
* * *
Dumiretso kami sa Glorietta, sa Makati City pagkatapos ng presscon ng Now That I Have You ng Star Cinema para manood ng concert ni Michael Francis. On our way to the Activity Center, ang venue ng concert, nakasalubong namin si Jean Garcia kasama ang isang taga-ABS-CBN. Hindi na namin binati ang actress dahil busy ito sa pakikipag-usap sa kasama. Saka ano naman ang sasabihin namin kay Jean, na napag-usapang muli ang tsismis sa kanila ni John Lloyd Cruz sa presscon?

In fairness, walang dapat ikabahala si Jean dahil maayos ang paglilinaw ni John Lloyd sa hindi mamatay-matay na isyu sa kanilang dalawa.

"Friends lang kami ni Jean, hindi ko siya naging ex at hindi ako nakitulog sa bahay niya. Nagpupunta ako kasama ang mga taga-Kay Tagal Kang Hinintay after our taping. Kwentuhan at inuman ng konti at inumaga kami. Hindi ko talaga alam kung sino ang nagkakalat ng maling isyu. Pero, wala ‘yun," paniniyak ni John Lloyd.

Loveless si John Lloyd ngayon pero, marami ang matutuwa kung magiging sila na ni Bea Alonzo at posibleng mangyari ito. Ang actor na rin ang nagsasabing mas close at mas komportable sila ng favorite leading lady niya ngayon.
* * *
Malabong mapagbigyan ni Iza Calzado ang pang-iimbita sa kanya ni Segundo Cernadas sa Argentina kahit gustuhin pa ng actress na bisitahin ang leading man niya sa Te Amo sa lugar nito.

Magsisimula nang mag-taping si Iza ng TV adaptation ng Darna na ididirek ni Joel Lamangan. Bukod dito’y gagawin din niya ang pelikulang pagsasamahan nila nina Ara Mina at Jomari Yllana na entry sa Metro Manila Film Festival.

Tuwang-tuwa si Iza sa pagkakapili sa kanya ng GMA-7 na gumanap sa role ni Darna na minimithi ng marami, kabilang si Regine Velasquez. Nag-promise itong gagawin ang lahat para hindi ma-disappoint ang mga nagtiwala sa kanya.
* * *
Mag-isang humarap sa press si Wallace Huo sa presscon ng Twin Sisters . Bumalik ng Taiwan si Joe Chen after guesting in SOP, hindi nakarating si Jason Hsu’t busy daw, ganoon din si Penny Lin na noong una’y nagkumpirmang darating.

Dahil wala si Penny, hindi tuloy namin natanong kung sila pa ni Ambrose Hsu? Nagsimula ang kanilang relasyon sa Dolphin Bay at malaking iskandalo sa Taiwan ‘yun dahil may boyfriend siya nang makipag-relasyon kay Ambrose. Sa press pa nalaman ng ex-bf nito ang tungkol sa kanila ni Ambrose.

Hindi namin nakita ang naging reaksyon ni Joe Chen nang i-deny ni Wallace ang tsismis na naging sila while shooting Twin Sisters. Ang tsika nga’y nawawala sila ‘pag breaktime ng taping. Pero, sabi ni Wallace, good friends lang sila, ‘di sige.

Nag-surf na lang kami sa Internet para makakuha ng information.

Lu Wei Jun
ang Chinese name ni Penny, she’s 26 years old at model muna bago nag-showbis. Sports enthusiasts siya’t favorite sport ang racing, badminton at basketball. She’s 5’5" and weighs 100 lbs. Ang iba niyang TV dramas ay Lavender, Secretly In Love, Working Girl at Dolphin Bay.

Kilala ito sa Taiwan si Joe Chen sa pangalang Chen Qiao En, she’s 26 y/o, speaks Mandarin, Hakka, Taiwanese and English. Member siya ng RnB band before and she’s also into hosting. Una siyang napanood sa My MVP Valentine at Lavender.

Show comments