Bukod kina Jeffrey at Mar Lopez, naging special guests din nina Dolphy at Zsazsa sa kanilang show sina Mahal at Mura. Habang nagpi-perform sina Mahal at Mura, nag-dialogue si Mura na kaarawan umano niya kinabukasan.
Tinanggal niya ang kanyang suot na sombrero at inilapag sa sahig ng stage at sabay sabing bilang regalo sa kanya, bigyan umano siya ng tig-iisang dolyar ng mga taong naroroon na agad namang tumalima. Hindi umano na-control ng mga security ang pagdagsa ng audience sa harapan ng stage para maglagay ng pera sa sombrero ni Mura kaya bukod sa kanyang talent fee, nakapag-uwi si Mura ng malaking pera. Kung tutuusin, adlib lamang yon ni Mura na sineryoso ng audience, ang ending, kumita pa siya ng extra. Tiyak na nainggit si Mahal kay Mura. Ang hindi lamang namin alam kung hinatian ni Mura si Mahal sa perang nakolekta niya.
Dapat sanay kasama sina Mahal at Mura sa series of shows nina Mickey Ferriols, John at Camille Prats, John Lloyd Cruz at Kate Abad sa Amerika nung nakaraang Abril pero, hindi sila nakasama sa grupo dahil na-deny ang kanilang visa dahil sa identity crisis ni Mura na isa palang lalaki.
Ayon sa kwento ng nakatatandang kapatid ni William, naglaro umano ito ng mahjong nung Biyernes ng gabi na inabot umano hanggang ala-1:30 ng madaling araw. Bago tumuloy sa kanyang kwarto, ipinagbilin nito sa kanyang driver na gisingin umano siya ng alas-10:00 ng umaga kinabukasan dahil may pupuntahan pa sila. Ni-lock nito ang kanyang kwarto. Pagdating ng alas-10:00 ng umaga, kinakatok na siya ng kanyang driver pero hindi umano sumasagot si William kaya tinawag ng driver ang iba niyang kasamahan sa bahay at pinuwersang binuksan nila ang pintuan. Nang mabuksan nila ang pintuan, tumambad ang wala nang buhay na katawan ni William na nakahandusay sa gilid ng kanyang kama. Ni hindi na nito nakuhang magpalit ng pantulog nang siyay atakehin sa puso.
Bukod sa kanyang house farm sa Pagsanjan, may bahay din si William sa Cavite kung saan kasama niya ang kanyang limang ampon na bata na ang panganay ay 16 years old at 12 naman ang bunso. Ang limang bata ay lahat nag-aaral sa private school.
Namomroblema ngayon ang nakatatandang kapatid ni William kung paano na ang mga bata ngayong wala na ang kanilang kinikilalang ama.
Samantala, sa unang gabi ng wake ni William sa Funeraria Paz, ipinakita ni Manny Morfe ang kanyang husay sa production design dahil napakaganda ng floral arrangement na kanyang ginawa para kay William. Ang mga bulaklak na ginamit ay hindi yung usual na bulaklak para sa patay. Ang dominant colors ng mga bulaklak ay puti at baby pink. Maging ang funeral spray na padala ng mag-asawang Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan ay match sa floral arrangement na gawa ni Manny.
Sa unang gabi ng lamay, inabutan namin doon sina Manny Morfe, Direk Gil Portes at mga co-PAMI members ni William na sina Manay Ethel Ramos, June Rufino, Shirley Kuan, Gina Valenciano-Martinez at ang kanyang mister na si Leo Martinez. Dumating din ang nakatatandang kapatid ni Mayor Vilma Santos na si Emilyn Santos at ang trusted friend ni Vi na si Aida Fandialan.
Samantala, ngayong araw ng Miyerkules ang cremation kay William pagkatapos ng 12:00 noon mass at ang kanyang abo ay nakatakdang ilibing bukas, Huwebes pagkatapos ng alas-8 ng umagang misa.