Katwiran daw ng management ng Siyete ay hanggang 2005 pa ang kontrata nito bilang host ng Startalk.
Samantala, na-phonepatch naman si Osang ng S-Files last Sunday at ipinahayag nga nito na magreretiro na siya sa showbiz para personal na asikasuhin ang pamilya niya.
Say din ng staff ng Siyete, "Paano ang kontrata niya, iba-buy out ba niya?"
Samantala, narinig naming tila nairita si Richard Gomez nung hindi natuloy ang pag-iinterbyu niya kay Osang sa phone dahil tinanggihan daw siya kasama si Paolo Bediones? Kayat sina Joey Marquez at Pia Guanio lang ang nagtagal sa kanya.
Maging ang mga nanood ay takang-taka rin kung bakit hindi ito tinao gayong ang galing daw ni Michael bilang performer.
Di kaya nagsawa na ang tao kay Michael V dahil halos araw-araw na siyang nakikita sa telebisyon? Dahil kung anong ginagawa niya sa Bubble Gang at Bitoys Funniest Videos ay siya ring ginawa sa concert?
Partida ay sangkaterba na ang guests niyang may name, pero hindi ito nakatulong. Marahil nga ay hindi tanggap ng tao si Michael V. bilang concert artist.
"Medyo alarming lang, kasi were doing our best, tapos may winner na raw? Di ba nakakairita?" saad ni Dino.
Binanggit ni Dino kung sino ang name ng winner na kumalat sa text at natawa kami, say namin sa aktor, "Ano ka ba, mas malaki ang chance mo no?"
Alam din ni Dino na kung hindi siya ang winner ng 30 Days ay baka si Anna Larrucea dahil ito raw ang nakikita niyang malaki ang potential, pero pagbubutihin pa rin daw niya.
Samantala, natawa kami sa comment ni Dino nung sitahin siya nung inookray ang paglalakad ni William Thio ay, "Buti nga pinasikat ko siya, di ba, napag-usapan siya?"
Hindi kasi magandang maglakad si William ayon na rin sa mga nakapansin, pero hindi naman daw nagalit si William at natawa rin daw siya sa comment sa kanya. Reggee Bonoan