Kung dati-rati raw ay kuntodo deny ito sa kanyang niloloob kay Sheena, ngayon daw ay walang takot nitong sinasabi kahit sinong magtanong na mas feel niyang makasama si Sheena kaysa kay Yasmien.
"Wala naman sigurong masama kung sabihin ko kung anong nasa puso ko, totoo na mas gusto ko si Sheena na makasama, pero okey din namang ka-loveteam si Yasmien trabaho lang naman kasi yung pagsasama naming dalawa.
"Iba kasi yung samahan namin ni Sheena, mas malalim at mas may kahulugan. Tsaka mas masaya kasi ako pag nakikita, nakakausap at nakakasama ko si Sheena." John Fontanilla