Recording artist na rin pala si
Sandara Park. Malapit na raw i-release ang CD Lite album nitong entitled "In or Out
". Kung inyong natatandaan, ito ang blurb ng
Star Circle Quest. Limang songs daw ang laman ng album ni Sandara na mostly ay light ang tema o novelty. Kundi this month, baka sa August na ang release ng album.
Si Sandara ang counterpart ni
Rainier Castillo ng
StarStruck na nadiskubreng maging recording artist dahil sa pagsali sa reality-based talent search.
Hindi pa rin pala kumpleto ang cast ng
Dark Room, ang first movie na ipoprodyus ni
Marvin Agustin under his own
Martian Films. Under negotiation pa rin sina
Angelika dela Cruz at
Victor Neri. Malabo na rin daw makasama sina Rainier Castillo at
Yasmien Kurdi dahil busy ang dalawa sa kanilang schedule.
Kino-consider ni Marvin ipalit kina Rainier at Yasmien sina
Sarah Geronimo at
Mark Bautista pero, nang makausap namin si Sarah, wala pa raw nagsabi sa kanya tungkol dito. Saka, may US Tour ang
Night of the Champions concert nila pagkatapos ng repeat nito sa August 13 sa Araneta Coliseum.
Obvious na na-inspire si Marvin sa success ng
Malikmata, kaya horror movie rin ang initial offering nila ng mga kasosyong sina
Christian Tan at director
Luigi Santos na siya ring magdidirek ng pelikula. Siya rin ang director ng
Nginig ng
ABS-CBN. Palabo nang palabo ang situation nina
Dion Ignacio at
Leo Bukas. Nang mabasa ni Dion ang mga write-ups sa pag-iwan niya sa kanyang manager, sumulat agad ng termination letter na ikinagulat ni Leo dahil wala silang kontratat walang kailangang i-terminate. Tila walang magawa ang
GMA Artist Center sa pakiusap na mag-usap sila ng dating manager dahil ayaw makipag-usap ni Dion. Malulungkot si Dion pag nalamang nagbago na ang tingin sa kanya ng press sa kanyang ginawa.
Ang maganda lang, kahit may conflict sila ng manager, tuloy ang suporta ng
GMA-7 kay Dion. Isinama siya sa
Joyride at napapanood pa rin sa
Stage 1: StarStruck Playhouse. This Thursday, ang life story din yata niya ang featured episode sa
Magpakailanman.