Gary & Angeli's story book romance

Tunay na higit na entertaining at very inspiring na makakwentuhan si Gary Valenciano kaysa palagi mo lang siyang napapanood sa kanyang mga record-breaking live concerts at sa mga TV shows.

Lalong nagiging fulfilling and sometimes revealing and unique experience kapag kasama na ang kanyang misis na si Angeli Pangilinan sa usapan.

Syempre di pwedeng kalimutan ng mag-asawang magdiriwang ng kanilang 20th anniversary sa August 6 kung saan sila unang nagtagpo.

"Una kaming nagkita sa Maryknoll (ngayon ay Mirriam College)," salaysay ni Angeli.

"That first meeting, iba na talaga ang feeling ko," balik-tanaw ni Gary V. "I told to myself, wow ang Camay Girl. She’s really beautiful."

Pero hindi naman doon nagsimula ang kanilang halos storybook romance. Marami pang mga subplots at makukulay na pangyayari.

Natandaan pa ni Angeli na siya ang nag-produce ng first solo concert ni Gary V sa Tavern on the Square noong 1983.

"Lahat ng savings ko while I was with Music and Magic ng apat na taon, ginasta ko to produce Gary’s show," kwento ni Angeli.

Tiyak na nagawa ni Angeli ‘yon that time simply because of great faith in Gary V’s enormous talent and great potential. Surely kung ano man ang iba pang personal feelings–na tiyak naman nandoon na–nasa backseat pa that time.

Naalala ni Angeli na nasa abroad kasi ang first manager ni Gary V na si Sandra Chavez that time. Kaya siya na ang naglakas-loob na mag-produce ng show ng kanyang naging lifetime partner.

Ngayon ay 20 taon na silang kasal, pero meron pa rin silang mga hiling o inaasam-asam. Dapat naman kasi sa isang relasyon kapag nakuntento na, nagiging boring.

Ang wish ni Gary, tumagal pa ng maraming taon ang kanilang pagsasama. "I have learned so many things from our union and from Angeli herself," pagmamalaki ni Gary V. "There are so many things that I have realized and proven real or possible when love abounds. From Angeli, marami akong natutuhan, pati ang pag-control ng temper ko."

Aminado si Gary V na as an artist, he has his own moods. Angeli is always there to make him see things at a better perspective.

Ito palang si Gary masyadong seloso, ayon sa kanyang misis. Nakakatuwa naman ang matigas na pagtanggi ni Gary V at ibinabalik ang pagka-seloso kay Angeli.

"Minsan nga kapag guys approach me, nag-react si Gary," natatawang kwento ni Angeli habang nakatitig si Gary sa kanya na tila gusto siyang pigilang magkwento.

Tuloy pa rin si Angeli, "Once sa isang airplane lumapit sa ‘kin ang isang guy. Isa siyang former acquiantance and we just exchanged pleasant tries and I introduced him to Gary."

"Yes, you introduced him to me," biglang sabat ni mister. "And you told me that he is so and so... and many things pa pero noong bandang huli mo na sinabi, ‘he is a former suitor."

Gary naman has enough reasons para magselos. Noong time na image model pa si Angeli ng Camay beauty soap, maganda talaga siya.

Nagkaroon pa siya ng movie offer to be Fernando Poe, Jr.’s leading lady sa Roman Rapido produced by BSH (Ben Hernandez) Films. Makukumbinse na sana si Angeli. Nagbago lang ang isip niya nang mabasa ang script.

"There was a part kasi na there’ll be an attempt to rape me sa movie," Angeli recalled. "Natakot ako kaya di ko na tinanggap."

Ang hiling naman ni Angeli now that they are about their 20th year of wedded bliss, "Sana magkaroon talaga kami ng at least one month vacation na magkakasama kaming lahat. Gusto ko talagang bakasyon na walang iisiping mga concerts, show o ano pa mang negosyo."

Gary V agreed. The last time kasing nasa U.S. of A silang mag-anak, may show din si Gary. On the off days, nakatakas sila para mamasyal sa amusement park.

"Pero hindi rin ako nag-enjoy ng husto," reklamo ni Gary V. "Biro mo namang nakasakay ka sa mga exciting rides, tapos bawal akong sumigaw. Dahil baka mamalat ako o mawalan ng boses for the next concert, kinabukasan."

Sa 20 taon nilang magkasama, they are just like any other married couple na may mga di pagkakaunawaan at mga pag-aaway.

To celebrate their 20th anniversary at ang 40th birthday ni Gary V, meron isang movie concert sa Araneta Coliseum sa Agosto 7, ang "Thankful" na inspirational ang tema at kasama ang kanilang mga anak na sina Paolo, Gabriel at Kiana.

Show comments