Ang hindi lang totooy ang tsikang isinugod siya sa hospital dahil grabe ang nangyari sa kanya. Nag-collapsed nga raw siya at isinakay sa ambulance pero, hindi na dinala sa hospital. Kailangan lang niya ng oxygen dahil hindi siya makahingat nanikip ang dibdib. Nangangalaykay ng basura sina Ciara, Danica Sotto at dalawang member ng Sexbomb nang siyay hinimatay. Nahihiya nga si Ciarat hindi na niya natapos ang challenge.
Nag-comment din si Ciara sa nasulat na sinabi diumano ni Bea Alonzo na didistansya siya kay John Lloyd Cruz kung totoong nagkabalikan na sila ni Ciara.
"Hindi dapat ganoon, dapat magkaroon sila ng magandang working relationship dahil loveteam sila. Saka, wag na sana nila akong idamay, pagod na ako sa kasasagot ng isyu na hindi naman ako involved. Hindi rin totoong nagkabalikan kami ni John Lloyd," pagdi-deny ni Ciara.
Nabanggit pa ni Regine na sabay-sabay ginagawa ni Sarah ang mga bagay na di niya kayang gawin noong kasing-edad niya ang teener. Ngayon nga namay may TV show, product endorser at sunud-sunod ang concert ni Sarah.
"Totoo naman yung na-o-off key ako minsan pag di ko masyadong kabisado ang kanta. Nangyayari yun pag late na dumarating ang study tape at pag sabay akong nag-aaral ng sayaw."
Pero, kung nanood si Regine ng Night of the Champions, ipagmamalaki niya si Sarah who was at her best that night. Lalo pang nakita ang galing nitong kumanta ng Celine Dion medley at talagang di ito nagpatalo kina Erik Santos at Rachelle Ann Go. Pa-humble nga itot ayaw amining sinapawan niya si Rachelle.
May chance si Regine na mapanood ang nabanggit na concert sa repeat nito sa August 13 sa Araneta Coliseum pa rin. Ibinabalik ito ng Viva Concerts dahil sa maraming request. Kasama pa rin ng tatlo sina Mark Bautista, Raymond Manalo at Christian Bautista. Si Bobby Garcia pa rin ang director at si Bong Quintana ang assistant director.
Ang tiket ay mabibili sa SM Ticketner outlets, Araneta Coliseum Box-Office at Viva Concerts. Mamili na lang kayo kung ano ang afford nyo, kung ang P1000, P900, P750, P400, P250 at P100.
Dismayado ang producer nang mapanood ang rushes ng pelikulat pangit nay wala pang direksyon. Kaya kahit malaki na ang nagastos sa ilang araw na shooting, ipinatigil niya ito. Hindi na raw baleng madagdagan ang budget ng pelikula bastat magandang lalabas.
Pati nga mga artista ng pelikulay disappointed sa kinalabasan nito. Iiling-iling na lang ang isa sa kanilat ayaw nang mag-comment. Iyong isa namay nagugulat dahil tuwing nagri-report siya sa shooting ay napa-pack up.