Ikukwento tiyak ni Jennylyn kung paano at three years old, ay iniwan siya ng ina niyang si Maria Ethel Vergara sa kapatid nitong si Lydia nang pumunta ito sa London. Kapatid ng biological mother ni Jennylyn ang nakagisnan niyang ina na kung tawagin sa showbiz ay "Mommy Lydia."
May asawa ng British ang mother ni Jennylyn at tiniyak na nitong kahit kunin siya ng inay hindi siya sasama dahil mas mahal na niya ang mag-asawang nag-aruga sa kanya mula pa noong six months old siya.
Lilinawin din ni Jennylyn ang isyung kaya umuwi ng bansa ang kanyang amay para makihati sa kanyang kinikita. Sustentado raw siya nito at nagbabakasyon lang ito kaya umuwi. Eight years old siya nang iwan ng ama pero, may komunikasyon sila.
"Hindi rin totoong gusto niya akong kunin na gusto niyang makitira sa bahay namin at gusto niyang manghingi ng pera. Sa bahay ng lola ko sa Bulacan siya umuuwi. Hindi ko itinatagong ampon ako pero, nagulat kaming lahat nang lumabas yun. Hindi ko ini-expect na lalabas yun. Hindi rin big deal sa akin ang malamang ampon ako dahil di ko nga dine-deny," pahayag ni Jennylyn.
May problema lang sa ipinahayag ni Jennylyn dahil nang makausap ng ilang reporter si Mommy Lydia, pinatotohanan nitong nanghihingi ng share ang biological dad ni Jennylyn sa kinikita nito. Ten percent nga raw ang hinihingi nitong share at dito nagsimula ang gulo. Harinawang hindi sina Jennylyn at mommy Lydia ang mag-away dahil lang sa pera.
Kay Dion Ignacio naman ipapareha si Yasmien at ibi-build up ang loveteam nina Katrina Halili at Warren Austria. Love triangle naman sina Cogie Domingo, Julienna Lee at JC de Vera.
Umaasa ang Ch. 7 na mapapantayan o mahihigitan ng Joyride ang success ng Click, rating wise at audience share.
Bukod sa Unang Hirit, napapanood din si Drew sa All Together Now at Wazzup Wazzup ng Studio 23. Sabi pala nitoy wala pa siyang final plan kung magri-resign sa show niya sa ABS-CBN pag nag-expire ang kanyang kontrata. Dahil wala siyang exclusive contract sa Ch. 2 at Ch. 7, hindi siya nahihirapang magkaroon ng regular show sa magkalabang network.
Mata-touch ang ama ni Drew na si Atty. Aga Arellano sa isinagot ng kanyang anak sa tanong kung ano ang kanyang dream show. "A show with my dad," sagot nito.
In fact, yung nag-imbita sa aming manood ng docu ay kailangan agad ang aming sagot dahil binibilang ang mga taong papasok sa Onstage. Hindi nga lang kami makakasama sa rami ng trabaho.