Michael V. , malimit magkaroon ng nightmares sa kanyang concert
July 15, 2004 | 12:00am
Sa Sabado, July 17 na ang first major concert ni Michael V., Show Ko To sa Araneta Coliseum. Ngayon pa lang, excited na siya. Pero alam nyo ba na nang dahil sa excitement nagkakaroon na siya ng nightmares. Minsan, nagigising na lang siyang akala niya totoo ang nangyayari. Minsan daw, dahil sa sobrang laki ng Araneta Coliseum, may mga nagtatanong sa kanya kung kaya ba niyang punuin ang Araneta. "Minsan nanaginip akong concert ko na raw, pero hindi ko pa rin alam, bigla na lang daw akong nagising na ngayon na pala yung concert ko. Tapos wala raw tao sa Araneta, although may nakita naman daw akong ilan," he confessed. Aside from nightmares, nagkakaroon na rin siya ng rashes dahil sa pressure.
Matagal na panahon din ang hinintay ni Michael V., 13 years to be exact bago siya nagkaroon ng major concert. Kung tutuusin, matagal na siyang puwedeng mag-concert, pero mas nag-concentrate siya sa TV, sa mga shows niya sa GMA 7.
Walang talent fee na tinanggap si Michael sa concert niyang ito. Instead kasi na magpabayad siya, ginawa niyang share ang tf niya sa pagpo-produce ng Show Ko To.
Siya na rin ang writer, creative director, editor, sa promo at lahat-lahat na kaya grabe ang ginagawa niyang trabaho.
May mga spectacular silang ipakikita na ayon kay Michael ay ngayon lang makikita sa isang concert. Meron silang 26 numbers na iba-iba ang characters niya.
Concert based - audio visual presentation ang description niya sa nasabing concert.
Main attraction din sa nasabing concert ang daring dance number nila ni Aubrey Miles. Yes folks! Sasayaw si Michael kasama si Aubrey na ngayon niya lang gagawin. Although sumasayaw-sayaw na naman siya noon, iba raw ang gagawin niya with Aubrey.
Gusto sana niyang kuning guest si Ogie Alcasid, kaya lang, nagkataon namang wala rito si Ogie.
Aside from Aubrey, kasama rin sa concert sina Janno Gibbs, Allan K., Rainier Castillo, Jenine Desiderio, The Sex Balls, The Sex Bomb, Francis M and the Rappublic All Stars sa direction ni Floy Quintos.
Co-producer din ang GMA 7 sa nasabing concert.
Available sa SM Ticketnet and Araneta Boxoffice ang tickets ng Show Ko To.
"Buong-buo talaga ang boses ni Mark (Bautista). Ang galing niya, parang walang effort pag kumakanta." Ito usually ang maririnig sa mga nanonood ng concert ng Night of the Champions kung saan naging guest si Mark na mas kilala na ngayong si Baste na character niya sa Sarah The Teen Princess na napapanood sa ABS-CBN.
Hindi man kasi siya main attraction sa nasabing concert nila Sarah, Rachelle Ann Go and Erik Santos, nang-agaw naman siya ng eksena nang kumanta na siya. At grabe ang sigawan ng mga kolehiyalang fans ni Mark. "Grabe po, parang mabibingi talaga ako," ngiti ng tsinitong singer/actor. "Nagpapasalamat ako sa kanilang lahat, sa suporta nila."
Ang kakaibang karisma ni Mark ang hinahabol-habol ng mga fans niya. Pag kasi ngumiti na siya, sobrang nai-in love ang mga bagets na fans niya.
Galing pa ng Laguna si Liza na nagpilit na manood ng Night of the Champions sa Araneta para lang kay Mark. "Wala kasi akong natitiyempuhang show ni Mark. So nang malaman kong guest siya sa Night of the Champions, nagpa-reserve talaga ako ng ticket para mapanood ko siya," kuwento ni Liza.
Walang ginawa si Liza nang kumanta na si Mark, ang tumili, tumili at tumili lang.
At hindi pa siya nakuntento na tilian lang ang kanyang idolo. Ang ginawa pa niya nang matapos ang spot ni Mark, sinugod pa niya ito sa backstage para magpakuha ng picture at magpa-sign ng autograph.
"Ang bait pala ni Mark. Very accommodating siya. Hindi siya katulad ng iba diyan na nang-iisnab. I love you Mark," tili pa uli ni Liza na umuwing may ngiti pabalik ng Laguna matapos makilala ang kanyang idolo.
Bukod sa pagiging singer, pansin na pansin na ang pagiging actor ni Mark. Proof dito ang pagiging believable niya sa character niyang Baste sa Sarah The Teen Princess. At malilimutan ba natin ang acting niya sa Maalaala Mo Kaya kung saan siya mismo ang nag-portray sa character niya nang i-feature ang buhay niya sa nasabing drama anthology hosted by Ms. Charo Santos-Concio? Isa sa may pinakamataas na rating sa MMK ang lifestory ni Mark. In fact, tinalo nila sa rating ang katapat nitong programa na feature ang buhay ng namayapang si Ate Luds nang ipalabas ito kamakailan.
Sa kasalukuyan, bukod sa Sarah The Teen Princess at ASAPMania, busy pa rin si Mark sa promo ng kanyang first album under Viva Records na nabibili sa lahat ng record bars nationwide.
Bukod kay Kris Aquino kinuha ng Charms and Crystals si Mickey Ferriols na endorser. Naniniwala si Joy na malaki ang maitutulong para mas lalong suwertihin si Mickey sa kanyang career at nakikita niyang niyang may magandang mangyayari sa career ni Mickey. Kungsabagay, na kay Mickey ang lahat ng katangian para maging malaking artista.
Si Maja Salvador naman, isa pang alaga ni Chit Ramos na manager din ni Mickey ang nagi-endorse ng anklets ng Charms and Crystals. Mismong si Ms. Chit ang nag-suggest ng nasabing anklet. Kaya naman nang suotin ni Maja ang nasabing anklet sa school nila, marami ang nag-order sa kanya.
Maging ang daughter ni Ms. Chit na si Farah na isang modelo ay marami rin ang nagkagusto sa suot niyang anklet at marami rin ang nag-order.
Puwede ring mag-attest ang concert producer na si John Ling ay isa pang makakapagpatunay na malaki ang nagawa ng Charms and Crystals sa tagumpay ng mga concert niya sa abroad. Kaya nang mag-birthday si John, nag-decorate siya ng Charms and Crystals at namigay sa kanyang mga bisita.
Matagal na panahon din ang hinintay ni Michael V., 13 years to be exact bago siya nagkaroon ng major concert. Kung tutuusin, matagal na siyang puwedeng mag-concert, pero mas nag-concentrate siya sa TV, sa mga shows niya sa GMA 7.
Walang talent fee na tinanggap si Michael sa concert niyang ito. Instead kasi na magpabayad siya, ginawa niyang share ang tf niya sa pagpo-produce ng Show Ko To.
Siya na rin ang writer, creative director, editor, sa promo at lahat-lahat na kaya grabe ang ginagawa niyang trabaho.
May mga spectacular silang ipakikita na ayon kay Michael ay ngayon lang makikita sa isang concert. Meron silang 26 numbers na iba-iba ang characters niya.
Concert based - audio visual presentation ang description niya sa nasabing concert.
Main attraction din sa nasabing concert ang daring dance number nila ni Aubrey Miles. Yes folks! Sasayaw si Michael kasama si Aubrey na ngayon niya lang gagawin. Although sumasayaw-sayaw na naman siya noon, iba raw ang gagawin niya with Aubrey.
Gusto sana niyang kuning guest si Ogie Alcasid, kaya lang, nagkataon namang wala rito si Ogie.
Aside from Aubrey, kasama rin sa concert sina Janno Gibbs, Allan K., Rainier Castillo, Jenine Desiderio, The Sex Balls, The Sex Bomb, Francis M and the Rappublic All Stars sa direction ni Floy Quintos.
Co-producer din ang GMA 7 sa nasabing concert.
Available sa SM Ticketnet and Araneta Boxoffice ang tickets ng Show Ko To.
Hindi man kasi siya main attraction sa nasabing concert nila Sarah, Rachelle Ann Go and Erik Santos, nang-agaw naman siya ng eksena nang kumanta na siya. At grabe ang sigawan ng mga kolehiyalang fans ni Mark. "Grabe po, parang mabibingi talaga ako," ngiti ng tsinitong singer/actor. "Nagpapasalamat ako sa kanilang lahat, sa suporta nila."
Ang kakaibang karisma ni Mark ang hinahabol-habol ng mga fans niya. Pag kasi ngumiti na siya, sobrang nai-in love ang mga bagets na fans niya.
Galing pa ng Laguna si Liza na nagpilit na manood ng Night of the Champions sa Araneta para lang kay Mark. "Wala kasi akong natitiyempuhang show ni Mark. So nang malaman kong guest siya sa Night of the Champions, nagpa-reserve talaga ako ng ticket para mapanood ko siya," kuwento ni Liza.
Walang ginawa si Liza nang kumanta na si Mark, ang tumili, tumili at tumili lang.
At hindi pa siya nakuntento na tilian lang ang kanyang idolo. Ang ginawa pa niya nang matapos ang spot ni Mark, sinugod pa niya ito sa backstage para magpakuha ng picture at magpa-sign ng autograph.
"Ang bait pala ni Mark. Very accommodating siya. Hindi siya katulad ng iba diyan na nang-iisnab. I love you Mark," tili pa uli ni Liza na umuwing may ngiti pabalik ng Laguna matapos makilala ang kanyang idolo.
Bukod sa pagiging singer, pansin na pansin na ang pagiging actor ni Mark. Proof dito ang pagiging believable niya sa character niyang Baste sa Sarah The Teen Princess. At malilimutan ba natin ang acting niya sa Maalaala Mo Kaya kung saan siya mismo ang nag-portray sa character niya nang i-feature ang buhay niya sa nasabing drama anthology hosted by Ms. Charo Santos-Concio? Isa sa may pinakamataas na rating sa MMK ang lifestory ni Mark. In fact, tinalo nila sa rating ang katapat nitong programa na feature ang buhay ng namayapang si Ate Luds nang ipalabas ito kamakailan.
Sa kasalukuyan, bukod sa Sarah The Teen Princess at ASAPMania, busy pa rin si Mark sa promo ng kanyang first album under Viva Records na nabibili sa lahat ng record bars nationwide.
Si Maja Salvador naman, isa pang alaga ni Chit Ramos na manager din ni Mickey ang nagi-endorse ng anklets ng Charms and Crystals. Mismong si Ms. Chit ang nag-suggest ng nasabing anklet. Kaya naman nang suotin ni Maja ang nasabing anklet sa school nila, marami ang nag-order sa kanya.
Maging ang daughter ni Ms. Chit na si Farah na isang modelo ay marami rin ang nagkagusto sa suot niyang anklet at marami rin ang nag-order.
Puwede ring mag-attest ang concert producer na si John Ling ay isa pang makakapagpatunay na malaki ang nagawa ng Charms and Crystals sa tagumpay ng mga concert niya sa abroad. Kaya nang mag-birthday si John, nag-decorate siya ng Charms and Crystals at namigay sa kanyang mga bisita.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended