Laman ng blind item ang balitang ito. Pero syempre, hindi rin sigurado ang mga nagsusulat if its indeed Karel na nasa video kaya dinaan sa blind item.
With the age of modern technology, marami nang posible. Pwedeng hubaran ang isang tao. Pwedeng palabasing ang isang artista ang nasa video. Isa lamang si Karel sa mga artistang biktima ng mga taong walang magawang mabuti sa kapwa.
Marami-rami na ring artista ang naisyuhan ng ganito. Nariyan sina Ruffa Gutierrez, Heart Evangelista, Andrea del Rosario at iba pa. Nakini-kinita ko nang magngingitngit sa galit ang magulang ni Karel kapag nalamang may ganitong isyu sa kanilang dalaga.
But just the same, kukunin ko pa rin ang reaksiyon ni Karel sa malisyosong balita sa kanya. I just hope hindi ko masira ang gabi ng performance niya sa itatanong ko.
Kahit nga kay Bea na katrabaho niya, aminado siyang hindi sila close.
Pero iba raw ngayon. He appreciates Bea now. Inamin din niya na close sila ngayon nito. Nakita raw niya ang kahalagahan ngayon ni Bea sa kanyang buhay.
"Kung meron mang girl na closest sa akin, its Bea," sabi raw ni John Lloyd. "Imagine, sa loob ng isang linggo, 5 times kaming magkasama. Kaya if theres a girl na talagang pinakamalapit sa akin, si Bea yon."
Bukod kasi sa thrice a week taping para sa It Might Be You, 2 days naman ang nakalaan para sa shooting nila ng Now That I Have You. Patapos na ang movie at nakatakda nang ipalabas sa August.
Si Laurenti Dyogi ang direktor ng Now That I Have You. Kasama rin sa cast sila Nikki Valdez, Kristopher Peralta, Lui Villaruz, Cholo Escano, John Arcilla, Noel Colet at Jean Saburit.
Pati na rin si Mariole Alberto, Vice-President for Talent Development & Management Center ng ABS-CBN. Dati kong boss si Ms. Mariole and weve remained friends hanggang ngayon. She is one of the driving forces behind ABS-CBN Talent Center. Happy Birthday po!