Bakit nga hindi sasaya si Geneva eh inamin niya na perfect ang kanyang lovelife sa kasalukuyan. "Napakabait ni KC (Montero). Wala na akong mahihiling pa. Para sa isang lumaki sa Amerika, mas mapasensya pa siya sa pag-aasikaso sa aking anak na si Heaven. Siya ang matiyagang nagtuturo kay Heaven at guma-guide dito sa mga assignments nito.
"Tutol na tutol siya sa aking balak na pagpapa-enhance ng breast. Feel ko kasi, lumiliit ang aking breast kapag pumapayat ako. Kahit nagbibiro siya, alam ko na seryoso siya sa pagpigil sa akin sa pagsasabi na kung gagawin ko ito ay magpapalaki rin siya ng sa kanya. Sabi ko, you would kill me.
"Five years na kami ni KC, mas matagal kaysa sa naging relasyon namin ni Paco (Arrespacochaga), pero, were not in a hurry to formalize everything," sabi ng napaka-seksing singer who admits na nahihirapan siya na i-maintain ang maganda niyang pangangatawan. "Mabuti na lang binigyan ako ng Diyos ng mahabang katawan kung hindi, hindi ako babagayan ng mga damit na isinusuot ko," dagdag ng nagtatapat na mas daring na siya ngayon. Labinganim na taon na siyang performer at sa loob ng mga taong ito ay marami siyang natutunan. "Im more stronger now, and wiser. Mas daring ako sa mga isinusuot ko and I work better now than before. Kapag nasa stage ako, feel ko napaka-high ko."
Ang Rematch ay follow up ng successful US Tour of Showdown nila ni Rachel Alejandro. Magtatampok ito ng mga requested pop, R&B, dance music at mga hit songs nila ni Rachel.
Makakabili na ng tiket sa lahat ng SM Ticketnet outlets, tumawag lamang sa 9115555 o sa Live Artists Productions, 9202643/9260556.
Walo ang maglalaban-laban: sina OJ Mariano para sa buwan ng Enero; Shanna Hibe, Feb.; Eman Omaga, Marso; Nyko Maca, Abril; Frenchie Dy at Michael Cruz, Mayo; Ralph David, June at Jasmine Fitzgerald, isang wild card grand finalist.