Si Baron Geisler ang unang dumating.
Si Jodi Santamaria contented sa kanyang ASAP Fanatic hosting. Magsisimula na rin daw ang nationwide search ng Star Circle Quest. Nalaman ko rin na tinanggihan ni Jodi na gumanap bilang Brandy Ayala sa Maalaala Mo Kaya.
"Hindi ko kaya yung mga eksena," katuwiran nito. "Baka hindi ko magawa ng tama."
Present din si Kaye Abad. Matamlay ito. Biniro nga siya ng grupo na baka nami-miss niya si John Lloyd. Ngumiti lang ito. After Sanay Wala Nang Wakas, wala pang TV project si Kaye.
Nag-drop by si Paolo Contis. "Sandali lang ako, nag-change location lang kami kaya nakadaan ako," sabi nito. Happy naman daw siya sa kanyang career sa GMA-7. Kahit sa lovelife, going strong ang relasyon nila ni Nancy Castiglione.
Nakisaya rin sina Mico Palanca at Kristopher Peralta. Dumating din ang former child star na si Sarah Jane Abad na ngayon ay dalagang-dalaga na. Si Sarah Jane ay younger sister ni Kaye.
It was one of the night na hindi ko makakalimutan. Seeing your friends at makapagkwentuhan tungkol sa buhay-buhay.
"Im sorry sa ABS-CBN dahil sa ginawa ko," sabi nito. Salamat na rin dahil binigyan nila ako ng second chance. Kung tutuusin, pwede na nila akong tanggalin. Pero umiral pa rin ang pagiging anak ko ng istasyon. Kapamilya pa rin ako," sabi pa nito.
Dahil sa recent incident, Rica was slapped with a 2-week suspension sa apat na shows niya sa ABS-CBN. Regular si Rica sa Ok Fine Whatever, ASAP Mania, EK Channel at Mangarap Ka.
Ayon sa isang TV executive na nakausap ko, "Kailangan namin siyang bigyan ng sanction. Para hindi tularan ng iba pang artista. Fair naman yung ibinigay naming suspension sa kanya."
Dahil sa nangyari, naging istrikto na ang ABS-CBN sa mga talent nilang kinukuhang guest sa GMA-7 shows.
"For protection na rin nila yon," sabi pa ng kausap ko. "Kasi, nakakatakot pala ang intentions ng GMA-7 kapag kinukuha nila ang mga artista namin."
Habang suspended, pupunta naman si Rica sa Australia for a series of shows.
Ang balita ko, buong araw umiyak ang nasabing PR officer nang malamang ididemanda siya ni Kris. This is the same PR officer na nagsabing hindi niya kilala ang isang tabloid entertainment editor samantalang panay ang padala niya ng press release dito.
Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa PR officers. Why resort to bashing and dirty tactic kung pwede namang i-publicize ang kanilang shows sa maganda at malinis na paraan?