Umapir na ang tunay na ama ni Jennylyn at humihingi ng porsiyento sa lahat niyang kita !

Hindi raw pala tunay na ina ni Jennylyn Mercado si Gng. Lydia Mercado, ang ipinakilalang ina nito at kasama sa lahat niyang lakad.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ay ‘tiyahin’ niya si Gng. Lydia Mercado, kapatid ng kanyang tunay na ina na nasa Amerika na ngayon ay tahimik na naninirahan.

Sanggol pa lang daw si Jennylyn nu’ng ipagkatiwala ito kay Gng. Lydia dahil nga paalis ang tunay na ina na iniwan naman daw ng ama ni Jennylyn.

Nabunyag lang ang lahat nu’ng biglang ‘umapir’ ang tunay na ama ni Jennylyn at humihingi ng porsyento sa lahat ng kinita nito simula nu’ng nag-artista na ito.

Nagkaroon na raw ng amicable settlement ang mag-ama. Bukod dito ay gusto rin ng ama na kasama siyang nakatira sa condo unit ni Jennylyn dahil minor pa lang daw ito.

Hindi na pumayag si Jennylyn na makitira ang ama sa kanya dahil gusto niya ng privacy at higit sa lahat, may ibang pamilya na ito.

Nakakaloka dahil nu’ng kasalukuyang naghihirap si Jennylyn ay hindi siya ‘inangking anak’ ng tunay na ama. Bakit ngayong kumikita na siya ay saka lamang ito lumitaw? Oo nga’t minor pa si Jennylyn, pero ginawa ba niya ang kanyang responsibilidad dito bilang ama?

And the funny things is, pinapapalitan ng ama ang apelyidong Mercado na siyang gamit ni Jennylyn. Dapat daw ay apelyido niya dahil ito raw ang nakasaad sa birth certificate ng dalaga.
* * *
Ayaw naming maniniwala sa kwento ng kaibigan naming nakakaalam ng tunay na pagkatao ng isang female TV host ng isang sikat na noontime show mula Lunes hanggang Sabado na isa pala itong ‘tiboli’ o lesbian.

Maganda at babaeng-babae kung kumilos ang naturang TV host at higit sa lahat, minsan na itong na-link sa isang male TV host din, pero hindi naman napatunayan dahil parehong nag-deny ang dalawang host.

Kwento ng aming kaibigan na myembro ng sikat na female dance group ang kasalukuyang girlfriend ngayon ng magandang female TV host at sa katunayan ay nakikita naman na silang magkasama sa mga malls.

Knows daw ito ng mga kasamahan ni female TV host kung anong preference niya sa lovelife. Kaya pala walang nababalitang boyfriend ang female TV host dahil kabaro niya ang type niya.

Kapansin-pansin na rin ang pagkahilig ni magandang TV host sa mga panglalaking sports at sa katunayan ay miyembro siya ng isang grupo na ipinanglalaban sa ibang bansa. Reggee Bonoan

Show comments