Masaya si Baron, tila limot na ang mga matitinding pagsubok na nagdaan sa kanyang buhay hindi pa naluluwatan. Katunayan, bumalik na siya sa kanyang pagpipinta. Nagbabalak siyang magdaos ng isang one man exhibit. Mayron na siyang mga 12 paintings. Daragdagan pa niya ito ng mga tatlo na lamang at pwede na siyang magkaron ng exhibit. Sinabi niya na sa framing pa lamang ng mga paintings niya ay gumastos na siya ng mahigit sa P12 thousand. Nang masunog ang kanilang bahay ay kasamang natupok ang mga nagawa na niyang paintings worth P100,000.
Sa kabila ng kaalaman niya sa pagpipinta, nagbabalak pa ring mag-aral ng painting si Baron sa isang formal school of arts. "Marami pa akong gustong matutunan. Mga eight sessions lamang ito at di ito makakaapekto sa aking trabaho which I need para matustusan ko ang aking pag-aaral. Mga P5,000 per course ang kailangan kong ibayad.
Baron has done a nude painting nang wala siyang modelo at ginamit lamang niya ang kanyang imahinasyon. Kahit alam niyang di ito papayag, gusto niyang gumawa ng isang nude painting ni Heart Evangelista.
Very active pa rin si Baron bilang spokesperson para sa anti-drug campaign sa anim na distrito ng Maynila ng Rotary Club.
Sa kanilang pagpapalabas o pagsisimula ng Bagyo sa Hulyo, ang theme ng GMAs KiliTV na ginawa nila sa programang Bubble Gang, nakaagaw din sila ng maraming manonood sa kabila, lalo na yung talagang tagahanga at supporter ng kanilang istasyon.
Live ang naging pagtatanghal na kung saan ay lumabas ang lahat ng stars ng mga sitcoms ng Seven, tulad ng Lagot Ka Isusumbong Kita, All Together Now, Nuts Entertainment, Bubble Gang, Idol Ko si Kap, Daddy DiDoDu at maging ang cast ng Marinara at Te Amo.
Na-preempt ang mga palabas ng dalawang huling nabanggit na programa para magbigay daan sa paglulunsad ng Bagyo sa Hulyo na nagtampok sa mga sikat na atleta tulad ng boxer na si Manny Pacquiao, ang manlalaro ng bilyar na si Dyango Bustamante, ang taekwondo winner na si Japoy at ang mga basketbolistang sina Freddie Webb at Yoyoy Martirez.
Panoorin at manalo ng mga malalaking cash prize tuwing Biyernes ng gabi, pagkatapos ng Hanggang Kailan.