^

PSN Showbiz

Kumakanta sa harap ng electric fan

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Marami nang nagsulputang mga baguhang magagaling na singer ngayon na gustong sundan ang yapak ni Regine Velasquez. Pero wala nang duda na ang kampeon ding si Sarah Geronimo na ang susunod sa trono ng songbird.

Ebidensiya na rito ang mabilis na pagsikat nito sa larangan ng musika. Lahat ng show ni Sarah ay talagang dinudumog lalo na ang katatapos na Night of the Champions. Kahit magagaling ang mga kasama nito ay angat pa rin ang kahusayan ni Sarah sa pag-awit.

At sa gitna ng malalang problema ng piracy ay nakakuha pa ng quadruple platinum ang album ni Sarah na "PopStar... A Dream Come True". Ibig sabihin ay bumenta ito ng mahigit sa 120,000 copies. Ang album ay naglalaman ng super hit songs na "To Love You More" (na siyang winning piece nito sa Star For A Night), "Forever’s Not Enough," "Broken Vow", "Twin Hearts," "Paano Kita Mapapasalamatan," (theme song ng Filipinas), "Sa Iyo," at ang latest single na "If Only" na pinrodyus at sinulat ni Ogie Alcasid.

Kahit sikat na ang young singer ay nanatili pa rin itong mapagkumbaba na higit na kinagigiliwan ng kanyang mga fans. Flattered naman si Sarah kapag inihahambing siya sa kanyang idolo. Pero marami pa raw siyang bigas na kakainin para mapantayan ang nakamit ng song bird.
* * *
May bagong hinuhubog na promising artist sa bakuran ng Genesis, ito’y ang talented na singer na si Pam G. Katulad ng karamihan ay nakahiligan ni Pam noong bata siya na kumanta sa harap ng electric fan, at dito niya na-discover ang kanyang talent sa pagkanta.

Hanggang ngayon sa edad na 24 ay nai-enjoy pa rin ni Pam ang kumanta, pero hindi na sa luma nilang bentilador. Ngayon ay nagpi-perform na siya sa harap ng malaking crowd sa Music Museum, Meralco Theater at iba’t ibang venue sa buong bansa.

Major in Theater Arts Performance sa UP Diliman si Pam. Nagsimula ang kanyang first break nang mapanood itong nagpi-perform sa stage play sa kanilang iskul ng isang taga-Trumphets. Dinala siya sa Trumphets office, at dito na nagbukas ang pinto kay Pam para unti-unting matupad ang pangarap nitong maging singer. Nakalabas na siya sa So David at The Lion, the Witch and Wardrobe.

Out of 600 aspirants na nag-audition for Lion King Australia, isa si Pam sa nakasali. Naka-duet din niya si Gary Valenciano sa kantang "One2One".

Madalas siyang maging guest sa mga concert ni Gary V. At kapag wala siyang gigs, one-on-one ang pagtuturo niya ng voice coaching kina Sarah Geronimo, Mark Bautista at sa marami pang artists. Hindi naman nagmamadali si Pam sa kanyang career, dahil alam niyang may magandang kapalaran na nakalaan para sa kanya sa music industry.

BROKEN VOW

DREAM COME TRUE

GARY V

GARY VALENCIANO

IF ONLY

KAHIT

LION KING AUSTRALIA

MARK BAUTISTA

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with