Richard inalok ng posisyon sa gobyerno

Hindi malinaw ang pahayag ni Richard Gomez sa balitang inooperan siya ni President Gloria Macapagal-Arroyo na pamunuan ang Sports Commission. Ayon kay Richard, in passing lang nabanggit sa kanya ang tungkol doon ni First Gentleman Mike Arroyo nang sila’y magkita.

"Wala pang follow-up, kaya wala akong maisagot. No offer, no talks. Kung tatanggapin ko? Anything good for the country ang magiging desisyon ko. Kailangan nating magtulungan ngayon. It doesn’t matter kung magkaiba nang paniniwala. Ang importante’y magtulungan tayo at ito ang kailangan natin ngayon," sabi nito.

Nabanggit pala ni Richard na magsisimula na silang mag-taping nina Regine Velasquez at Ariel Rivera ng bagong teleserye sa GMA-7 entitled Tears From Heaven. Pakindat-kindat ito na para bang tinutukso si Regine nang may magbanggit sa pangalan ni Ariel. Aware rin siguro si Richard na magkakatuksuhan sa taping sa pagsasamang ito nina Regine at Ariel.
* * *
Inaliw na naman kami nina Sam Bumatay at Kurt Perez nang muli namin silang ma-interview. Kanya-kanya sila ng eksena habang aming kinakausap. Nakakatawa kung paanong turuan ni Kurt ng Mathematics at parts ng computer si Sam na ang laging sagot ay "hindi pa itinuturo sa amin ‘yan" at "ayaw kong sagutin ’yan."

Galing sa Cabanatuan City pa si Kurt at lumuwas lang ng Maynila para sa press interview. Ikinuwento nito kung paano siya pinagkaguluhan ng mga classmates niya sa College of Immaculate Conception kung saan siya Grade One. Ayaw nitong pumayag nang sabihin naming minus one point na siya dahil nag-absent siya. Nagpaalam naman daw siya sa kanyang teacher na mag-a-absent for one day.

Ibinalita ni Kurt na nag-taping na siya para sa Mulawin bilang batang si Richard Gutierrez. "Eagle ako roon, lumilipad ako. Naka-harness ako," sabi nito.

Medyo inaantok naman si Sam dahil galing sa taping ng Magpakailanman kung saan featured ang life story ni Aiza Seguerra at siya ang gumanap ng batang si Aiza. Ilang oras lang ang tulog ng bagets at dumeretso na sa presscon. Puring-puri ni Mary Louise Bumatay ang anak dahil kahit pagod at kulang sa tulog ay never nag-tantrum.

Plano ng GMA-7 na bigyan ng show sina Sam at Kurt at ang 12 StarStruck Avengers. Kanya-kanyang suggestion ang press kung anong klaseng show ang babagay sa mga bata. Ang unsolicited suggestion namin ay mala-Sesame Street o Art School ang maging concept ng show at siguradong mag-e-enjoy ang mga bagets.
* * *
Kasama sa cast ng Beautiful Life si Michelle Bayle. Enjoy siya sa kanyang role na isang Black Widow na laging namamatayan ng asawa. Second movie na niya ito sa Regal Entertainment dahil una siyang napanood sa I Think I’m In Love. Small role lang daw ang partisipasyon niya pero, thankful pa rin siyang mapasama’t maidirek ni Gil Portes.

Naging daan din ang pelikula na magkalapit sila ni Aubrey Miles. Akala raw niya dahil sikat ang sexy star ay suplada ito pero, iba ang kanyang nadiskubre.

"Mabait pala siya, masarap katrabaho at hindi siya nagbabago. Nagkukuwentuhan kami ‘pag break time. Wala palang reason para mahiya at mailang ako sa kanya," sabi ni Michelle.

Naging isyu kay Michelle ang diumano’y panggagamit sa kalagayan ng ina nang aminin sa presscon ng Otso-Otso na may sakit ito. Nagalit ang pamilya ng kanyang ina at dahil doon, ayaw na nitong pag-usapan ang isyu. Ang sinabi lang nito’y okey ngayon ang mommy niya’t nagpapagaling.
* * *
Hindi lang pala ang dalawang sexy star ang may reklamo sa bold actor na nakasama nila sa pelikula. Pati ang actor na gumanap na bading ay may reklamo rin sa bold actor.

Sa kanilang love scene, naramdaman nitong hinihipuan siya ng bold actor sa pribadong parte ng kanyang katawan. Hindi lang makapalag ang actor dahil nasa harap sila ng camera. Pero, kaduda-duda raw ang ginawa ng actor sa kanya’t nagtanong ito sa mga kaibigan kung ano ang tunay na gender ng bold actor.

Nakaramdam din nang pananantsing sa kanilang love scene sa bold actor ang dalawang sexy star. Ikinaiirita nilang ang panghahawak nito sa kanilang boobs na kunwari’y ’di sinasadya. Ipinarating ng dalawang sexy star sa kanilang producer ang kanilang reklamo at malamang, hindi na ito kunin sa mga susunod na pelikula ng movie company.

Show comments