Posibleng paliwanag ng kausap ni Tito Alfie ay hindi pala sila magkapatid kaya walang problema kung bibigyan muli ng angle sina Ambet at Princess.
Masamang-masama ang loob ni Tito Alfie dahil ngayong nakakalimutan na ang kontrobersya nina Juday at Robin Padilla ay planong muling buhayin ito sa serye dahil sa mga nakikitang eksena na parang magkakahulugan muli ng loob ang dalawa, di ba nila alam na nagdulot ito ng bangungot sa mga tagahanga?
Isa pang ikinasama ng loob nito ay iyong pag-schedule sa kanyang alaga na ang kadalasang nangyayari ay naghihintay pa ito ng mahabang oras bago mag-take dahil doon mismo sa set niri-revise ang script.
Isa pang dahilan kung bakit masama ang kanyang loob ng mga sandaling iyon na bago magsimula ang taping proper ng BBK noong nakaraang taon ay may kasunduan na ipababasa muna sa kanya ang script para aprubahan o kung may gusto siyang ipabago dito ay magawan agad ng remedyo. Pero sinabi ng kausap niya, wala itong alam sa ganoong usapan kaya lalong tumaas ang boses ng manager.
Samantala, maraming nag-react na mga fans sa padalang text message ni 09213525620 sa akin na isinulat ko na nakita raw ng kanyang bossing sina Juday at Wendell Ramos noong Wednesday sa Greenbelt 3 ng bandang alas 10 ng gabi na kumakain sa isang resto.
Maraming fans ang nagalit at nagsabing nagsisinungaling kami at kaya namin naibalita ito ay masama ang loob namin sa mga fans ng Juday-TJ Trinidad dahil may ilan sa kanila ang nagbigay sa amin ng masamang paratang na hindi naman namin pwedeng gawin. Alex Datu