Gusto sana naming sumingit sa kanilang usapan na Mean Girls na lang ang panoorin nilat magagalit si Robin Padilla kung sa Spiderman 2 sila pumasok. Hindi bat hinamon pa ni Binoe si Toby Maguire ng pataasan nang pagtalon.
Niyaya rin ni Paolo na manood ng sine si Nancy para mawala ang tampot napahiya ito sa pa-dedma niyang sagot nang tanungin kung totoong may ibibigay siyang three-karat ring.
"Sabi mo, I have to have a nice manicure. Maghahanap na lang ako ng iba na magbibigay sa akin ng ring kundi mo ako bibigyan," wika ni Nancy na aming ikinatawa.
Pero, may takot pala itong si Nancy sa pakikipag-relasyon kay Paolo at ang kanilang age gap ang dahilan. Nancy is 23 years old at 20 years old naman si Paolo.
"I change a lot when I was 20. And hes only 20, baka magbago pa siya. In fairness, since he courted me at maging kami na, hindi pa naman siya nagbabago. Dapat talaga, long engagement kamo," sagot na rin ni Nancy sa kanyang tanong.
Maganda naman ang paliwanag nito. Maaga niyang binili ang dalawang white polo para pagpilian ni Biboy Ramirez. Nagulat na lang siya nang lumabas si Dino Guevarra na suot na ang isa sa dalawang polong binili niya. Ang ikinairita pang lalo ni Joey, ang mas magandang polo ang ipinahiram ni Biboy kay Dino kesa isinuot. Tinukso tuloy si Biboy na kasama sa cast ng Mano Po 3 dahil sa Chinese design ng polo.
Sana naman, hindi maging daan para manumbalik ang tampo ni Dino sa press sa pagpuna sa kanyang hiram lang na polong suot niya sa press presentation.
Very proud si Robin Padilla sa pagtatapos ng kapatid at nabanggit nga nito yung dream niyang maging director ay ipapasa na lang niya kay Rustom dahil mas may kaalaman ito sa trabaho.
Hindi pa yun ang ginawa ng actress. Nang marinig na nagtsitsismisan ang dalawang reporter, nakinig ba naman at naki-join? Pilit inalam sa mga nagkukwentuhan kung sino ang kanilang pinagtsitsismisan.
Ang lalong ikina-turn off ng isang press ay ang itsismis na hiwalay na ang isang magaling na actress sa boyfriend nito. Napahiya ang pakialamerang actress nang kontrahin siya ng reporter at sabihang mali ang kanyang balita dahil very much on pa ang itsinismis niyang separated couple.