Sa ngayon ay ayaw pa rin umamin ni Troy Montero tungkol sa relasyon nila ni Aubrey Miles pero inamin niya na ang sexy star ang pinakamalapit sa kanya. Sila yong nababalitang magsyota pero ayaw nila ng seryosong relasyon at lalong ayaw nila ng commitment sa bawat isa. Pwedeng tawaging ideal ang kanilang relasyon dahil itong si Troy ay iniiwasan na ang kanyang pagkahilig sa night life at inihinto na rin nito ang pakikipag-date ng ibang chicks maliban kay Aubrey at sa parte naman ni Aubrey, umiiwas din itong nakikipag-date sa ilang lalaki maliban kay Troy.
Ayon kay Troy, walang katotohanan ang intriga sa kanya na kaya siya pumayag na maging endorser ng line of male underwear ay dahil wala nang patutunguhan ang kanyang showbiz career. Ang totoo nito, kahit may plano siyang magpa-sexy noon ay hindi niya nagawa dahil wala umano siyang matipunong pangangatawan na maipapakita. At isa pang dahilan, ayaw siyang payagan ng kanyang manager na maging sexy hunk. Alex Datu