Judy Ann, di pa nababayaran ni Sen. Jamby/ Lady newscaster, masama ang ugali pag-off cam na !

Malaki pa pala ang ‘utang’ ni Sen. Jamby Madrigal kay Judy Ann Santos. You read it right folks! Hindi pa raw nababayaran ni Senator elect Jamby ang tf ng actress sa kampanya. Ito raw ang rason kaya kahit gusto pa sana ni Jamby na gumawa ng commercial para mag-thank you sa mga bumoto sa kanya kasama ang actress, pero hindi na raw pumayag ang camp ni Juday. Remember, si Juday ang nangampanya for Jamby at tapos na raw ang election pero hindi pa fully paid ang talent fee ng actress.

Very reliable ang source na nag-inform sa Baby Talk ng tungkol dito. In fact, may na-mention siyang figure pero saka na lang.
* * *
Hindi man lang pala na-invite sa katatapos na Film Academy of the Philippines awards night si Da King Fernando Poe Jr. May nagbulong sa akin na wala man lang natanggap na invitation si FPJ and his wife Susan Roces. Si Mr. German Moreno lang daw ang nag-text sa Da King para mag-attend ng nasabing awards night. Since wala naman daw invitation ang mag-asawa, hindi sila nag-abalang mag-attend pa.

Sayang lang dahil kasama sa haligi ng industriya si Da King at sinasabi nilang ang FAP ay para sa mga artista.

Sabi tuloy ng isang friend ni Da King, "nawalan na nga siya ng chance sa pulitika, pati ba naman sa showbiz, kailangang kalimutan siya?"

Tama nga naman. Dapat man lang inalala nilang FPJ is FPJ kahit pa anong mangyari. At dapat siyang bigyan ng importansiya dahil hindi naman ito pulitika.Ganito rin more or less daw ang nangyari kina Eric Quizon and Gloria Romero who won best actor and best actress respectively ayon sa isang source. Si Eric daw, walang na-receive na invitation kaya walang idea ang actor na mananalo siya. Last minute na raw nitong nalaman na nominated siya.
* * *
Grabe pala ang kamalditahan ng isang lady newscaster pag-off cam na. Ayaw daw nitong nakakakita ng pakalat-kalat na tao sa dinadaanan niya. Ganoon na lang din daw kung tumingin ito sa mga production worker - parati raw naka-chin up pag dumadaan sa corridor kung saan siya nagta-trabahong network.

Pero pag nasa harap naman ng camera, parang ang bait-bait at ang pino-project niyang image ay mapagkawanggawa. Pero ‘yun nga lang daw, pagkatapos ng show niya, iba na ang character nito. Lumalabas na raw ang totoong kulay.
* * *
Darating sa bansa si Barney, ang purple superstar na kinagigiliwan ng mga bagets ngayon all over the world with his singing and dancing sa kanilang debut performance sa bansa.

Titled Barney’s Big Suprise!, mapapanood sa musical stage show si Barney at ang kanyang fabulous dino friend na si Baby Bop and BJ sa isang 60-minute colorful display of music, dancing, storytelling and well-loved antics - July 14, 6 p.m.; July 15, 6 p.m.; July 16, 6 p.m.; July 17 11 a.m. 3 p.m., 6 p.m. and July 18, 11 a.m., 3 p.m. and 6 p.m. sa Aliw Theater ng Star City sa CCP grounds.

Ang Barney’s Big Suprise ang first show ng purple superstar across Asia. Nag-incorporate ng 10 performers and storybook characters kasama ang guest professor Tinkerputt at Mother Goose para sa nasabing show.

Na-recognize at overwhelming ang reaction ng parents and pre-shoolers all over the world sa grupo ni Barney kaya naisip ng producer ng Manila show, Media Source Entertainment, Inc. na dapat din itong mapanood sa bansa. Marami kasing kids and adults na gustong-gusto si Barney.

Baguhan lang sa production business ang Media Source Entertainment, Inc. pero naniniwala sila na ang show ay makakatulong para lalo pang ma-enhance ang development ng mga bata through valued education via entertainment at maging simula ito ng kanilang organization ng mas malaki pang project.

I’m sure marami nang excited na makita si Barney, Baby Bop, Prof. Tinkerputt and friends organizing a surprise birthday party for BJ na for the first time ay makikita nila ng live.

For ticket inquiries and reservations, please call SM Ticketnet outlets at 911-5555.
* * *
Kahit sa murang edad, may sign na magiging performer siya someday. Sa edad na limang taon, nag-join na siya sa contest. At sa murang edad, kinokopya na agad ni Micah kung paano mag-perform si Gary Valenciano. Pero walang nag-isip noon na seseryosohin niya ang pagpasok sa showbiz.

Ngayong 20 years old na siya, napapanood na si Micah sa catchy advertisements such as Globe, Chippy and STI. Buti na lang to die for ang kanyang smile.

Aside from his pretty face, magaling din siya sa hosting, modeling and acting. At ang kanyang galing sa communication skills ang nagdala sa kanya sa Virginia, USA some years back para sa speech and expressive reading event.

Pagdating naman sa music, nagi-enjoy siyang mag-play ng percussion, especially the cajon. "I just fell in love with the instrument," sabi niya. "It started when I tried congas when I was in the States. And since I loved dancing when I was a kid, the rhythm I make or the beat that comes out when I play puts me into a trance that I play for two hours non-stop."

Ang Manila Genesis Entertainment ang nagha-handle ng career ni Micah.

Idol niya sina Gary Valenciano, Carlo Orosa and Donita Rose na pawang maka-Diyos.

Show comments