Mahal ang carnival set ng 'Marina'
July 8, 2004 | 12:00am
Noong Lunes, sa imbitasyon ni Wenn Deramas, dinalaw ko ang set ng Marina sa Pasiklab sa QC sa Commonwealth Avenue. Ipinakita sa akin ni Wenn ang bonggang set kung saan gaganapin ang opening ng perya at sina Marina, Dugong, Pearly Shells at Ninja ang main attraction.
Naabutan ko sa set sina Cherie Gil (Victoria), Malou de Guzman (Dugong) Eugene Domingo (Lorelei), Meryl Soriano (Luna) Chokoleit (Pearly Shells), Deejay Durano (Manding) at Marvin Ramales (Efren).
"We rented the whole lot," sabi ni Wenn. Bale dito magaganap ang lahat ng eksena sa Marina. Syempre, yung mga eksena sa dagat, sa Pangasinan pa rin yon si Andoy (Ranay) ang direktor doon."
Ipinakita sa akin ni Wenn ang pinagawa niyang mala-teatro kung saan gaganapin ang show. Nakita ko rin ang isang malaking aquarium kung saan ilalagay si Marina.
"Mala-Moulin Rouge ang eksena. Carnival talaga. Pati costume, ginastusan namin. Yung music na gagamitin, inaayos na," kwento ni Wenn habang tinu-tour ako sa area.
Walang pakialam si Wenn sa gastos sa kanyang fantaserye. Aniya, suportado ng ABS-CBN management ang mga ideya niya. Gusto rin ni Wenn na ma-mount ang isang carnival scene na puwedeng sabihing world-class.
"Para pasasalamat na rin sa loyal viewers ng Marina sa suportang ibinibigay nila sa programa. Kilala mo naman ako, the more na tsina-challenge, the more na lumalabas yung creativity ko," sabi ni Wenn.
Marina has consistently maintained a wide lead over Marinara in terms of ratings. Confident si Wenn sa mga eksenang mapapanood ng tao in the next weeks.
Bukod kay Wenn, gusto kong pasalamatan ang staff ng Marina na sina Desirey Fernandez (executive producer), Sherman So (cinematographer), Neil del Rosario (assistant director) at Danny Cristobas (production designer) for the warm accommodation they have extended me during my visit.
Mula sa taping ng Marina, dumiretso ako sa Windows Cafe sa ABS-CBN para mag-late lunch. Inabutan ko doon na nagkakape sina Aiai delas Alas, Biboy Arboleda, Dante Nico Garcia at Malu Sevilla. Join na ako sa tsikahan.
Excited na ipinarinig sa akin ni Aiai ang latest single niyang "Tanging Ina," isa raw ito sa cuts sa "Ang Tanging Ina: The Album" under Star Records.
Naaliw ako sa pakikinig sa kanta. May kwento kasi ang song kaya tututukan. Halos mabaliw ako sa refrain part. Tawa kami nang tawa.
"Si Lito Camo ang nag-compose," kwento ni Aiai. "Lamig-lamigan ang boses ko, no? Naloka ka sa lyrics?" sabi pa ni Aiai?
Bukod sa "Tanging Ina", nakakaaliw din ang isa pang cut sa album na "Seaman Loloko". Si Malu Sevilla ang nagdidirek ng music video ng nasabing song.
Next month ay ilu-lunch na ni Ai-Ai ang nasabing album. Hinihintay ko na mapakinggan ninyo ang nasabing kanta ni Ai-Ai. Tiyak ko na maghi-hit ang nasabing song. Ma-emote pero may pagkapilyo kasi ang lyrics.
Tuluy na tuloy na ang pagsasaere ng The Hero Angeles Story sa Maalaala Mo Kaya, ngayong gabi. Matatandaan na ang nasabing episode ang dapat na ipinalabas last Thursday pero biglang napalitan ito ng episode ni Neri Naig.
"Hindi natapos in time for airing last week ang Hero... episode," explains MMK supervising producer Ginny Monteagudo-Ocampo. "Kaya yung Neri ang ipinalabas namin. Ngayong tapos na ang episode ni Hero, mapapanood na nila ngayong gabi. Mas pinaganda pa."
Sa episode ngayong gabi, makikita ng tao na sa kabila ng hirap na pinagdaanan, hindi nawala ang respeto ni Hero sa kanyang mga magulang. Dahil sa utang, nasira ang dating magandang buhay ng pamilya ni Hero.
Si Hero ang gaganap sa kanyang lifestory. Kasama sina Michael de Mesa, Amy Austria, Maoui David at Gerald Madrid. Si Cathy Garcia-Molina ang nagdirek ng episode.
Naabutan ko sa set sina Cherie Gil (Victoria), Malou de Guzman (Dugong) Eugene Domingo (Lorelei), Meryl Soriano (Luna) Chokoleit (Pearly Shells), Deejay Durano (Manding) at Marvin Ramales (Efren).
"We rented the whole lot," sabi ni Wenn. Bale dito magaganap ang lahat ng eksena sa Marina. Syempre, yung mga eksena sa dagat, sa Pangasinan pa rin yon si Andoy (Ranay) ang direktor doon."
Ipinakita sa akin ni Wenn ang pinagawa niyang mala-teatro kung saan gaganapin ang show. Nakita ko rin ang isang malaking aquarium kung saan ilalagay si Marina.
"Mala-Moulin Rouge ang eksena. Carnival talaga. Pati costume, ginastusan namin. Yung music na gagamitin, inaayos na," kwento ni Wenn habang tinu-tour ako sa area.
Walang pakialam si Wenn sa gastos sa kanyang fantaserye. Aniya, suportado ng ABS-CBN management ang mga ideya niya. Gusto rin ni Wenn na ma-mount ang isang carnival scene na puwedeng sabihing world-class.
"Para pasasalamat na rin sa loyal viewers ng Marina sa suportang ibinibigay nila sa programa. Kilala mo naman ako, the more na tsina-challenge, the more na lumalabas yung creativity ko," sabi ni Wenn.
Marina has consistently maintained a wide lead over Marinara in terms of ratings. Confident si Wenn sa mga eksenang mapapanood ng tao in the next weeks.
Bukod kay Wenn, gusto kong pasalamatan ang staff ng Marina na sina Desirey Fernandez (executive producer), Sherman So (cinematographer), Neil del Rosario (assistant director) at Danny Cristobas (production designer) for the warm accommodation they have extended me during my visit.
Excited na ipinarinig sa akin ni Aiai ang latest single niyang "Tanging Ina," isa raw ito sa cuts sa "Ang Tanging Ina: The Album" under Star Records.
Naaliw ako sa pakikinig sa kanta. May kwento kasi ang song kaya tututukan. Halos mabaliw ako sa refrain part. Tawa kami nang tawa.
"Si Lito Camo ang nag-compose," kwento ni Aiai. "Lamig-lamigan ang boses ko, no? Naloka ka sa lyrics?" sabi pa ni Aiai?
Bukod sa "Tanging Ina", nakakaaliw din ang isa pang cut sa album na "Seaman Loloko". Si Malu Sevilla ang nagdidirek ng music video ng nasabing song.
Next month ay ilu-lunch na ni Ai-Ai ang nasabing album. Hinihintay ko na mapakinggan ninyo ang nasabing kanta ni Ai-Ai. Tiyak ko na maghi-hit ang nasabing song. Ma-emote pero may pagkapilyo kasi ang lyrics.
"Hindi natapos in time for airing last week ang Hero... episode," explains MMK supervising producer Ginny Monteagudo-Ocampo. "Kaya yung Neri ang ipinalabas namin. Ngayong tapos na ang episode ni Hero, mapapanood na nila ngayong gabi. Mas pinaganda pa."
Sa episode ngayong gabi, makikita ng tao na sa kabila ng hirap na pinagdaanan, hindi nawala ang respeto ni Hero sa kanyang mga magulang. Dahil sa utang, nasira ang dating magandang buhay ng pamilya ni Hero.
Si Hero ang gaganap sa kanyang lifestory. Kasama sina Michael de Mesa, Amy Austria, Maoui David at Gerald Madrid. Si Cathy Garcia-Molina ang nagdirek ng episode.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended