Isang latang corned beef lamang isang araw ang kinakain ni Luke nung nagsisimula pa lamang siya

Pagkatapos umalis ni Luke Mijares sa bandang South Border marami ang nag-aakalang hindi nito kakayaning tumayong mag-isa. Bagama’t may ganito ring pangamba ang singer pero pinilit niyang pangatawanan ang de-sisyong mag-solo.

"Tinatanong ko nga ang sarili ko noon kung tama ba ang ginawa ko? I knew there’d be difficult times once I’m on my own, but I had to do it. Feeling ko kasi before nakakatakot ang mag-solo lalo’t nasanay at identified ako sa banda. Lahat ng pressure nasa iyo. Pero willing naman akong mag-start sa wala like before," kwento ni Luke.

Nasanay naman daw siya sa hirap tulad noong nagsisimula palang siya. Nililibot daw niya ang lahat ng club sa Cebu para lang kumanta. Ganito rin ang ginawa niya nung lumuwas siya ng Manila, at dahil sa wala siyang kilala from scratch nagtiyaga siya. "There came a point when I had to live on just one can of corned beef a day," sabi ni Luke. Tinitipid ni Luke ang pera niya para may pang entrance fee siya sa mga clubs na pinapasok niya. "I wanted kasi to jam with as many bands as I could, so people could hear me sing. I’d often write down ‘My friend wants to sing with you...’ on a piece of tissue paper." Pinaaabot niya ito sa waiter na ibigay sa mga bandang tumutugtog gabi-gabi.

Hindi nagtagal nagbunga rin ang strategy ni Luke, dahil ilang beses na pala siyang napapakinggan ng grupo ng South Border at lahat sila ay na-impressed kay Luke. Lalo na ang falsetto style of singing ni Luke na since college pala ay ginagawa na niya. As South Border’s second vocalist marami ring hit songs ang grupo kasama si Luke at hindi lang sila naging in demand dito sa atin kundi maging sa iba’t ibang bansa.

Ngayon ay wala namang pagsisisi si Luke sa kanyang desisyon na iwan ang ban-da. Madali naman kasi siyang tinanggap ng publiko as a solo performer. Bukod kasi sa may pangalan na siya, hindi naman nawalan ng show si Luke pagkatapos nitong humiwalay sa grupo. May karapatan namang bigyan ng credit as solo artist si Luke dahil talaga palang mahu-say siyang performer na napanood ko ang concert kamakailan sa Onstage-Greenbelt. Matagal ko nang naririnig kumanta si Luke, pero ngayon ay mas gumaling pa siyang singer.

At ang pinakamagandang part na ikinatutuwa ni Luke ay may solo album na ito na "Stop... Luke...Listen. Naglalaman ito ng 12-tracks gaya ng "Paano Na," "If You Want To Be Mine," "Spell," at "Rock Steady." Kabahagi ng album ni Luke ang mga sikat na composers ng bansa tulad nina Ogie Alcasid, Jimmy Bondoc, Mike Luis at Keith Martin. Ang "Stop.. Luke... Listen" ay release ng BMG Records Pilipinas.
* * *
Ang galing naman nung tinanggap na sextuple platinum award ng durable singing idol na si Gary Valenciano na nagsi-celebrate ng kanyang 20th anniversary sa showbiz ngayong taon. Imagine six-times platinum or more than 180,000 copies ang na-sold na "Revive" album niya sa kabila ng problema sa piracy. At maging ang kanyang "Gary V: At the Movies" ay nakasungkit din ng isa pang platinum disc award mula sa Universal Records. I’m sure ang ginagawang bagong album ni Gary na iri- release next year ay ganito rin ang sapitin o baka mahigitan pa ito.

Show comments