^

PSN Showbiz

Lahat ng special awards sa FAP Awards,ipinagkaloob sa Director's General Ball

- Veronica R. Samio -
It was a most successful Awards Night, ang katatapos na 22nd FAP Awards na akala ng marami ay papalpak lalo’t sa huling mga oras ng paghahanda nito ay tumiwalag ang mga ka-partners ni Albert Martinez na siyang may brainchild ng magarbong okasyon.

The Awards Night may have started late than what was stated in the invitation pero, nasimulan ito ng maaga, wala pang 6:00 na isang impossibility sa isang mundo na tulad ng showbiz na kung saan ang mga artista ay nagsisimulang mabuhay sa gabi. Bago pa mag-alas 9:00 ay naibigay nang lahat ang mga awards at nabigyan na ng tribute ang lahat ng karapat-dapat.

Bilang myembro ng isa ring awards giving body, naiinggit ako sa kagandahan ng mga musical numbers na kung saan ay iprinisinta ang limang nominadong pelikula at ang mga theme songs nito. Simple lamang ang mga ito pero, kakaiba sa mga karaniwang napapanood sa mga ganitong parangal sa industriya at mga artista.

Sayang, marami sa mga nanalo ang absent pero, nangahulugan lamang ito na walang leakage, di dumalo ang mga artista dahil alam nilang mananalo sila.

The stars came in their resplendent Filipino inspired ternos. Ang mga lalaki kung hindi naka-barong ay naka-tuxedo. And because Albert requested the press to cooperate with his plans, nagsuot pa kami ng terno at dumating sa naturang pagtitipon ng bihis na bihis. Nakakalungkot lamang na dahilan marahil sa dress code, wala pa kaming 10 na dumating.

Kung bongga ang awards night, lalo na ang Director’s General Ball. Marami sa mga artista ang nagkaroon ng costume change.

Napiling Most Fabulous Female of the Night si Cherie Gil, Best in Filipiniana sina Pops Fernandez na siyang second choice dahil maagang umalis si Gretchen Barretto at Ricardo Cepeda; Best in Tuxedo, Joel Lamangan at Face of the Night, Joyce Jimenez; Striking Lady & Gentleman of the Night, Mylene Dizon & Marc Nelson; People’s Choice Award (Texters Choice), Maricel Soriano.

May mga nanalong hindi ko kilala but obviously taga-industriya rin pero di ko na sila isinama dito.

Katulad nang ipinangako, lahat ng mga nominees at performers ay pinagkalooban ng mga loot bags na naglalaman ng mga mahahalagang bagay mula sa mga sponsors. May mga mamahaling kotse na naghatid sa mga artista sa venue ng awards night mula sa Westin Philippine Plaza na kung saan sila ay nagkita-kita.

Maraming terno ang likha ng mga may pangalang designer (Barge Ramos for Ara Mina, Rajo Laurel for Regine Velasquez, Liezl Martinez & Boy Abunda, Vittorio for Joyce Jimenez, Ino Sotto for Alessandra de Rossi at marami pang iba).

Ang tumugtog sa Awards Night ay ang Philippine Philharmonic Orchestra. Musical director si Gerald Salonga na siya ring namuno sa PPO.

Masters of ceremonies sina Pops at Ogie Alcasid.

Nagpasiklaban sa pag-awit sa Director’s Ball sina Jenine
Desiderio, Jinky Llamanzares, Pinky Marquez, Lynn Sherman, Bimbo Cerrudo
at Geneva Cruz.

ALBERT MARTINEZ

ARA MINA

AWARDS

AWARDS NIGHT

BARGE RAMOS

BIMBO CERRUDO

BOY ABUNDA

JOYCE JIMENEZ

NIGHT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with