Biyaheng Langit sa Patok
July 5, 2004 | 12:00am
Nanatili pa ring hari ng lansangan ang mga makukulay na jeepney sa kulturang Pinoy. Mula sa mga sari-saring borloloy at bumabayong tugtugin hanggang sa makapigil hininga nitong pagragasa sa daan, partikular na rito ang mga "Patok" ng Montalban. Ngunit higit pa sa mga katangiang ito ang tinataglay ng mga "Patok", mga kung anong nagtutulak sa mga kadalagahan dito upang makipagtalik sa mga tsuper ng mga ito kapalit ng "joy ride". Mga "backriders" kung tawagin, ang kanilang pagkahumaling sa "Patok" ang siyang tutuklasin at ilalahad ni Ruth Cabal.
Muli namang babalikan ni Cesar Apolinario ang nauna na niyang naiulat na mga hubad na bawang na mistulang lalo pang naging talamak at panibago na namang pagbubunyag sa isang pagawaan ng kendi sa Bulacan na pinaniniwalaang gumagamit ng mga bulok na sangkap.
Ilang mga pribadong paaralan sa San Jose del Monte, Bulacan ang patuloy sa kanilang operasyon sa kabila ng pagpapasara sa mga ito ng DepEd. Kung bakit ganito na lamang kalalakas ang loob ng pamunuan ng mga ito ang siya namang sisiyasatin ni Tina Panganiban-Perez.
Tatlong maiinit na usapin mula sa tatlong batikang mamamahayag, Reporters Notebook, Martes pagkatapos ng Saksi sa GMA.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended