^

PSN Showbiz

MFF, sinaputan ng Spiderman 2

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Malungkot ang naging resulta ng katatapos na Manila Filmfest dahil malaki ang naging epekto ng pagpapalabas ng Spiderman 2. Nakakalungkot itong isipin. Sabi nga ni Direk Maryo J Reyes, pinaghandaan naman nila ang naturang festival at pinaglaanan talaga ng panahon at malaking halaga. Pero ito pa rin ang nangyari.

Si Nora Aunor, nagbiyahe pa mula Amerika para lang makibahagi sa mga kaganapan ng MFF. Pinutol niya ang concert nila ni Kuh Ledesma dahil lang sa festival tapos mahina pa rin ang pelikula niya. Mabuti na lang at napansin ang acting niya sa Naglalayag.

Tutal naman ay kumikita ang mga foreign films, ano ba naman yung 15 days na ibigay natin para sa MFF. Sana pumayag ang local distributor ng Spiderman na iurong ang showing nito para naman naka-focus ang tao sa MFF.

Sana sa susunod na MFF o MMFF ay makita agad ang ganitong problema.

Ganun pa man ay binabati ko sina Direk Maryo J, Nora Aunor, Yul Servo at Jacklyn Jose sa kani-kanilang pagkapanalo.
* * *
Maraming mga fans ni Piolo Pascual ang nagtatanong kung bakit hindi pa nasusundan ang pelikula ng actor na Milan. Bakit daw napapadalang ang release ng pelikula ni Piolo? Matagal nga namang pinasabik ang mga fans tapos wala agad kasunod na pelikula ang aktor.

Ito ang kalimitang problema natin ngayon. Hindi katulad noong araw na talagang pinagpapaplanuhan ang career ng bawat artista. Kita n’yo naman ang artista noong araw, bawat pelikula nila ay pinanabikan.

Ngayon, wala na halos excitement ang mga pelikula. Maliban na lang sa iilan. Kaya dapat yung mga producer natin ay pinag-iisipang mabuti ang mga susunod nilang proyekto. Huwag din silang basta-basta nasisiraan ng loob kapag hindi kumita ang movie. Walang mangyayari kung ganito ang mga magiging attitude ng karamihan sa ating mga producer.

Napag-uusapan nga namin ni Boss Vic del Rosario na ang isang malaking factor ng paghina ng movie ay masyado nang bugbog ang mga artista natin sa TV. Dapat talaga, hinihiwalay ang mga artistang lumalabas sa TV at pelikula.

Ganito rin ang nangyari noon kina Guy at Vilma Santos. Noong una, sa mga musical show lang sila lumalabas. Pero nang magkaroon ng Makulay na Daigdig ni Nora, sa bandang huli ay naapektuhan din ang movie career niya. Ganito rin halos ang nangyari kay Ate Vi.

Dagdagan mo pa ang napakaraming problema. Buti na lang nga at nababawasan na ang piracy. Salamat naman kay OMB Chairman Edu Manzano na talagang puspusan ang trabaho para masawata ang mga namimirata.

vuukle comment

ATE VI

BOSS VIC

DIREK MARYO J

DIREK MARYO J REYES

EDU MANZANO

GANITO

JACKLYN JOSE

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with