After S-Files,baka teleserye ang kahaharapin ni Janice

Although iniwan na ni Janice de Belen ang S-Files na siyang nagbukas sa kanya ng panibagong break sa TV hosting, tuloy pa rin naman ang show nila ng kapatid niyang si Gelli de Belen, ang Sis na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes.  Kung matutuloy ang mga plano, baka magkaroon din siya ng teleserye sa GMA at bukas din siya sa pagbabalik pelikula.  After all, si Janice ang orihinal na telenovela princess at halos kapanabayan niya noon ang yumaong si Julie Vega.
* * *
r>Tuluyan nang nabuwag ang tambalang Partners: Mel & Jay nina Mel Tiangco at Jay Sonza sa tv matapos abisuhan ang huli ng GMA management na hindi na nila ipagpapatuloy ang tambalan ng dalawa at sa halip ay mag-isa nang ihu-host ni Mel ang programa na sinimulan niya nang mag-leave siya sa programa nila ni Mel para kumandidato sa pagka-senador nung nakaraang halalan.  Sa kasawiang-palad, hindi sinwerte na mahalal si Jay.  Pero sa halip na makabalik siya sa programa nila ni Mel, nawala pa ito sa kanya.  Marahil, napansin ng GMA na kayang tumakbo ng programa nang mag-isa si Mel kaya hindi na nila muling ni-renew ang kontrata ni Jay. Sa ABS-CBN nagsimula ang tambalang Mel & Jay hanggang sa malipat ng GMA ang dalawa at doon ay nagpatuloy ang kanilang matagumpay na tambalan.  Pero tulad ng titulo ng awitin ni Barbra Streisand "Some Good Things Never Last," ganoon din ang nangyari sa tambalang Mel & Jay.
* * *
Parehong balik ABS-CBN sina Angelika de la Cruz at Tanya Garcia matapos nilang lumipat galing GMA.  Parehong nagsimula ang dalawa sa ABS-CBN pero bago pa man lumaki ang kanilang mga pangalan ay nagdesisyon silang lisanin ang Star Network para sa kabilang istasyon.  Parehong nagkaroon ng tigda-dalawang teleserye ang dalawa.  Napabilang din si Angelika sa Sunday musical show ng GMA, ang SOP Rules.    Ngayong balik-Dos si Angelika, agad siyang binigyan ng dalawang TV assignments, ang teleseryeng Sana’y Wala Nang Wakas at ang Sunday musical show ng Dos, ang ASAP Mania.  Si Tanya naman ay may naghihintay ding bagong teleserye.   

Kung bumalik ng Dos sina Angelika at Tanya, kapamilya na rin ng Dos sina Anne Curtis at Geoffrey Eigenmann na parehong nagsimula sa GMA.  Ang dalawa ay mapapasama sa kauna-unahang teleserye ni Kris Aquino, ang Hiram kung saan din kasama sina Dina Bonnevie at Heart Evangelista among others.

Show comments