"Ang tanging pagkakatulad lamang siguro ng mga programa namin ay parehong may sirena na character ang mga programa pero, maliban dito, wala na. Hindi kami isang soap kundi isang spoof ng maraming mga soaps na may dalawang taon nang nasa isipan ni Regine (Velasquez) pero, ngayon lamang nabigyan ng pagkakataon na maisalin sa telebisyon," panimula ng seksing aktres.
Yung tungkol naman sa sinasabing wala nang napapanood sa Marinara dahilan sa tinambakan na ito ng katakut-takot na komersyal, sinabi ni Rufa Mae na talagang nine minutes ang nakalaang oras sa commercial loads nila. Minsan may mga hindi matanggihang produkto kung kaya umaabot sila ng 12 minutes pero never naman na nasira ang kanilang palabas. "Siguro napupuna lamang nila dahil mas marami kaming commercial kesa sa kanila," anang isang executive ng GMA na kasama ni Rufa Mae nang makausap namin. Dagdag naman ni Rufa Mae, "Im sure natutuwa rin si Claudine sa success ng Marinara."
Tatlong roles ang ginagampanan ni Rufa Mae sa Marinara at nangangahulugan lamang ito na times 3 din ang katuwaan na nararanasan ng mga manonood. Di nakapagtataka kung bakit patuloy ang magagandang feedback na natatanggap nito mula sa mga manonood at sa mga kritiko.
"Nagpahinga lang ako pero, sa susunod kong pictorial, titiyakin kong akin pa rin ang titulo. Minana ko yata yan kay Lorna Tolentino! He! He! He!" sabi niya.
"Hindi naman dapat pag-awayan yan, dahil hindi naman pinagkakaperahan yan, no!? Mas gusto kong ma-release na sa Leo Films dahil gusto ko nang gumawa ng pelikula.
Patapos na ang kontrata niya ngayong buwang ito.
"Miss ko nang gumawa ng pelikula. Miss ko nang maghubad," aniya.
Kahit walang pelikula, abala siya sa kanyang negosyo, ang Tracys Treasures. May ipo-prodyus silang fashion show ni Rose Valencia sa Music Museum sa September kasama ang 10 sexy stars.