Michael V., naisahan si Vandolph

Naikwento ni Michael V. ang kanyang karanasan nang magdi-disguise ng iba’t-ibang karakter para sa kanyang Bitoy Funniest Videos. Nang magbalat kayo siyang taxi driver ay nakilala siya at namukhaan ng kanyang pasahero. Tinanong kasi ito kung bakit makinis ang kanyang balat lalo na ang kamay kaya nagduda na hindi talaga siya taxi driver.

Pero nang i-set up niya si Vandolph sa isang bilyaran ay hindi talaga siya nakilala nito bilang balbas-saradong Arabo. Nang malamang siya pala si Michael V. ay nakapagmura ito pero hindi sa galit kundi sa kabiglaanan dahil naisahan siya ni Michael.

Ang mga alalay nitong kunwari’y mga Arabo rin ay may dala-dalang clutch bag kung saan naroon ang kamera kaya hindi sila nahalata ni Vandolph.

Sa kabilang banda dahil sa dami ng trabaho ay nagkukulang siya ng panahon sa pamilya kaya naman tuwing weekends ay nagba-bonding sila. Pero kahit anong abala ng komedyante ay may time pa rin ito para ihatid at sunduin ang mga anak sa iskwela. Ang eldest na si Milo na 10 years old ay nag-aaral sa Community of Learners at ang anim na taong si Yanni ay sa Poveda naman nag-aaral. Ang bunso ay si Iñigo na 11 months old na. Kailanman ay hindi pa siya nali-link sa leading ladies o sinumang aktres dahil sa pagiging loyal sa kanyang misis.
Pops, Sinisisi
Ayon sa isang insider ng GMA 7 ay napabalitang sinisisi si Pops Fernandez sa pagkawala ng programang Celebrity Turns na tinatampukan ni Michael V.

May nagsasabing hindi maganda ang chemistry ng dalawa kaya minabuti ng network na palitan na lang ito ng ibang programa.

Pinabulaanan naman na isa ring executive na hindi totoo ang balita dahil maganda naman ang rating ng show. Maganda rin ang naging paliwanag ni Michael V kung saan gusto niya na papagpahingahin muna si Junie Lee.

Magaling na hosts si Pops at walang dahilan para sa kanya ibagsak ang sisi ng pagkatsugi ng Celebrity Turns. Kahapon ay napalabas na ang bagong programa ni Michael V. na Bitoy’s Funniest Videos na magsisimula ng 6:30 PM.
Magpoprodyus Ng Pelikula
Nagpapalitan pa rin kami ng text messages ni Gigi Malonzo, butihing maybahay ni dating Mayor Rey Malonzo at sinabing mas masaya at tahimik ang kanilang buhay ngayon bilang pribadong mamamayan makaraang matalo sa nakaraang eleksyon.

"Mas may time kami ngayon sa isa’t isa ni Mayor lalo na at para sa aming mga anak. Pero baka dumating din ang araw na tumakbo rin sa national eleksyon si Rey," aniya.

May plano rin ang dating Mayor na i-revive ang movie outfit at magprodyus din ng maaksyong pelikula.
Angelika, Nakipagbati Na Kay Jen
Humingi na ng paumanhin si Jen Rosendahl kay Angelika dela Cruz dahil sa insidenteng pagmumura nito sa kanila ni Rica Peralejo nang masapawan ang sexy star sa kanilang pagsasayaw sa ASAP Mania kasama ang Hot Babes.

Kahit mag-deny pa si Jen na hindi silang dalawa ang minura ay ayaw maniwala nang mga nakarinig sa pagtataray ng sexy star sa backstage.

Tinanggap na ni Angelika ang paghingi ng dispensa ni Jen dahil ayaw din nitong may intriga kahit hindi siya ang may kasalanan.
Bitbit Na Agad Ang Maleta
Nanood pa rin sa premiere night ng kanyang pelikula si Direk. Panay ang puri nito sa kanyang idinirek na pelikula pero sa dakong huli ay nagkaroon ng technical problem dahil hindi magtugma ang dialogue at buka ng bibig ng mga artista. Hindi na gandahan ang karamihan sa kanilang panonood kaya kailangan maiayos ang pelikula.

Kaso hindi na makita si Direk na kailangan pa namang paglamayan ang pagsasaayos ng movie dahil palabas sana ito kinabukasan. Ang ending bitbit na nito ang maleta at tumakas sa gitna ng kaguluhan kung saan doon dumiretso sa kanyang bayan sa Zambales. Hanggang ngayon ay naroon pa rin siya at marahil nagmumuni-muni dahil isang sinehan lang ang pinagtanghalan ng kanyang pelikula.

Show comments