Hindi kami sang-ayon sa statement na yon ni Robin. Talagang ganoon, may kumpetisyon talaga. May panahon na tinatalo ng kanyang mga pelikula ang kita ng mga pelikulang dayuhan. Nagkataon ngayong talo siya, pero hindi dapat sisihin ang mga pelikulang Ingles. Ibig bang sabihin, ang solusyon para umangat ang pelikulang Pilipino ay patayin ang mga pelikulang Ingles?
Isang magandang example ang Korea. Doon inilalampaso ng mga pelikulang Koreano ang mga pelikulang Ingles. Simple lang ang ginawa nila. Gumawa sila ng mga pelikulang mas magaganda kaysa sa mga pelikulang Ingles. Tingnan ninyo, ngayon binibili na ng mga Kano ang kanilang pelikula.
Ang problema sa mga pelikulang Pilipino, tinitipid nila ang produksyon kaya naman bumababa ang kalidad, doon na kami sa pelikulang Ingles na alam naming sulit ang ibabayad namin sa mga sinehan. Isipin ninyo kung gaano kagaganda ang mga pelikulang Ingles na inilalabas sa mga sinehan natin lately. Ikumpara naman ninyo ang mga pelikulang Pilipino na ginagawa nila.
Ganyan talaga ang kumpetisyon. Kailangang gumawa naman ang mga Pinoy ng mga pelikulang mahuhusay. Bakit ba noong araw, tinatalo ng mga pelikula natin ang mga pelikulang Kano. Tinalo ng pelikula ni Sharon Cuneta ang Stallone noon. Tinalo ni Robin Padilla ang isang pelikulang James Bond noon. Bakit hindi natin magawa yan?
Nakagawa sila ng trend doon sa Star For A Night, kaya lang matapos ang isang taon ay nagkaroon sila ng problema sa franchise, natigil yon. Gumawa sila ng isang local version, yong Search For A Star, matapos ang isang taon nagkaroon naman sila ng problema sa network, natigil din yon.
Ngayon, ang kanilang star-host na si Regine Velasquez ay gagawa ng katulad din ng show na yon, pareho rin ang formula pero network produced na. Kamote ang labas ng Viva Television. Sino ba ang nagdadala ng malas sa kanila?