Di umabot ng P10M ang kinita ng Manila Filmfest
July 2, 2004 | 12:00am
Nasa denial stage ang dating sikat na child actor na binata na ngayon. Binalak niyang mag-audition sa 30 Days pero, agad nag-back out nang malaman ang concept ng show. Walang nakapigil at nakapagpabago sa desisyon nitong subukang mag-audition at baka makapasa siyat magaling siyang artista.
Nakakatawa ang inirason ng former child actor sa hindi niya pagtuloy sa audition. Hindi pa raw siya laos kaya, hindi siya bagay mapasama sa mga kapwa artista na gustong magkaroon ng second chance sa showbiz.
Hello! Dapat magising o may gumising sa young actor. Matagal nang lumipas ang kanyang kasikatan. In fact, ang last movie niyay bata pa siya at kaya lang siya hindi nalimutan ng tao dahil naging mainstay siya ng isang youth-oriented show. Pero, nang matsugi ang show na yun, tuluyan na siyang nawala. Huwag sabihing hindi niya alam ito!
Last day na ni Janice de Belen na mag-host ng S Files sa Linggo. After three years, nag-decide ang TV host-actress na iwan ang show na sabi niyay malaki ang naitulong sa kanya financially. Gusto namin ang inirason sa pag-alis niya sa show na sabi nitoy nakatulong financially after her separation from John Estrada.
Sabi nito: "I feel guilty and I feel bad na magtanong ng balita sa kapwa artista dahil artista rin ako. I feel guilty dahil alam kong may mga issue na ayaw mong pag-usapan kasi ako, I also value my privacy. Hindi na ako effective na host at may ibang dapat bigyan ng trabaho. Hindi ako brave and bold at unfair sa S Files yun."
Si Paolo Bediones ang pinaka-apektado kina Richard Gomez at Joey Marquez sa pagri-resign ni Janice. Teary-eyed itot naging close sila ng TV host-actress. Mapakla ang ngiti nito nang biruin ni Richard na para itong nawalan ng syota.
"After this, I have to adjust to somebody new," wika nito na ang tinutukoy ay ang host na ipapalit ng GMA-7 kay Janice.
Si Pia Guanio ang nababalitang papalit kay Janice sa July 11. Hindi na mag-a-adjust ng husto si Paolo dahil co-host niya ito sa LG Digital Quiz.
Nakaka-disappoint naman pala ang box office return ng Manila Film Festival kung totoong hindi umabot sa P10M ang kinita ng anim na pelikulang kasali sa film festival. No wonder, walang producer na nagdidiwang kahit yung top grosser at ang nag-number two.
Ayon sa source, P1M ang opening day ng Volta at ang Sabel at Kulimlim ay umabot lang sa more than P600,000 ang box office take. Hindi na namin isinulat ang first day gross ng Naglalayag, Mano-Mano 3 Arnis The Lost Art at Anak Ka ng Tatay Mo basta, isa sa tatlong pelikulay kumita lang ng P100,000.
Walang makapagpaliwanag kung bakit hindi tinangkilik ng tao ang Manila Film Festival. Ayaw ba nila sa mga pelikula o tamad lang silang manood? Hindi pwedeng sabihing walang pera ang mga Pinoy dahil kumita ang Spiderman 2.
Sa Sabado na ang 22nd Annual Film Academy Awards Night na gagawin sa Cultural Center of the Philippines pero, hindi pa rin tumitigil ang intriga. Kapag nagbibigay kami ng invites sa mga pinadalhan ng FAP, ang agad itinatanong ay kung matutuloy ba ang awards night?
Paano naman, may mga maliliit pa ring problema na nagpapasakit ng ulo kay Albert Martinez, kanyang co-producer at ibang staff ng FAP.
Halimbawa na lang ang nangyari kay Vina Morales. Ang singer-actress ang kakanta ng theme song ng Mano Po 3 at dahil wala ito sa bansa, nanghingi ng study tape sa FAP ang manager nitong si Joji Dingcong. Nagulat si Joji dahil sa halip na study tape, VCD ng pelikula ang dumating sa kanila. Panoorin daw ang pelikula at doon na kunin ang theme song.
Dahil ilang araw na lang, tumawag si Joji kay Shirley Kuan, manager ni Albert at isinumbong ang nangyari. Tinawagan naman agad ni SK si Albert at ipinaalam ang ginawa ng kanyang staff. Para lang makuha ang lyrics ng kanta, ginising ni Albert ang mga anak at pinag-surf sa Internet. Laking pasalamat nito nang mahanap ng kanyang mga anak ang lyrics ng kanta at yun ang ipinadala niya sa manager ni Vina para pag-aralan ng singer-actress.
Nakakatawa ang inirason ng former child actor sa hindi niya pagtuloy sa audition. Hindi pa raw siya laos kaya, hindi siya bagay mapasama sa mga kapwa artista na gustong magkaroon ng second chance sa showbiz.
Hello! Dapat magising o may gumising sa young actor. Matagal nang lumipas ang kanyang kasikatan. In fact, ang last movie niyay bata pa siya at kaya lang siya hindi nalimutan ng tao dahil naging mainstay siya ng isang youth-oriented show. Pero, nang matsugi ang show na yun, tuluyan na siyang nawala. Huwag sabihing hindi niya alam ito!
Sabi nito: "I feel guilty and I feel bad na magtanong ng balita sa kapwa artista dahil artista rin ako. I feel guilty dahil alam kong may mga issue na ayaw mong pag-usapan kasi ako, I also value my privacy. Hindi na ako effective na host at may ibang dapat bigyan ng trabaho. Hindi ako brave and bold at unfair sa S Files yun."
Si Paolo Bediones ang pinaka-apektado kina Richard Gomez at Joey Marquez sa pagri-resign ni Janice. Teary-eyed itot naging close sila ng TV host-actress. Mapakla ang ngiti nito nang biruin ni Richard na para itong nawalan ng syota.
"After this, I have to adjust to somebody new," wika nito na ang tinutukoy ay ang host na ipapalit ng GMA-7 kay Janice.
Si Pia Guanio ang nababalitang papalit kay Janice sa July 11. Hindi na mag-a-adjust ng husto si Paolo dahil co-host niya ito sa LG Digital Quiz.
Ayon sa source, P1M ang opening day ng Volta at ang Sabel at Kulimlim ay umabot lang sa more than P600,000 ang box office take. Hindi na namin isinulat ang first day gross ng Naglalayag, Mano-Mano 3 Arnis The Lost Art at Anak Ka ng Tatay Mo basta, isa sa tatlong pelikulay kumita lang ng P100,000.
Walang makapagpaliwanag kung bakit hindi tinangkilik ng tao ang Manila Film Festival. Ayaw ba nila sa mga pelikula o tamad lang silang manood? Hindi pwedeng sabihing walang pera ang mga Pinoy dahil kumita ang Spiderman 2.
Paano naman, may mga maliliit pa ring problema na nagpapasakit ng ulo kay Albert Martinez, kanyang co-producer at ibang staff ng FAP.
Halimbawa na lang ang nangyari kay Vina Morales. Ang singer-actress ang kakanta ng theme song ng Mano Po 3 at dahil wala ito sa bansa, nanghingi ng study tape sa FAP ang manager nitong si Joji Dingcong. Nagulat si Joji dahil sa halip na study tape, VCD ng pelikula ang dumating sa kanila. Panoorin daw ang pelikula at doon na kunin ang theme song.
Dahil ilang araw na lang, tumawag si Joji kay Shirley Kuan, manager ni Albert at isinumbong ang nangyari. Tinawagan naman agad ni SK si Albert at ipinaalam ang ginawa ng kanyang staff. Para lang makuha ang lyrics ng kanta, ginising ni Albert ang mga anak at pinag-surf sa Internet. Laking pasalamat nito nang mahanap ng kanyang mga anak ang lyrics ng kanta at yun ang ipinadala niya sa manager ni Vina para pag-aralan ng singer-actress.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended