^

PSN Showbiz

Christian Bautista may album na

PARINIG NGA - PARINIG NGA Ni Lanie M. Sapitnan -
Hindi makapaniwala si Christian Bautista sa mabilis na pag-angat ng kanyang career. Last Sunday sa ASAP ay tinanggap nito ang gold record award para sa kanyang self titled album na ang carrier single ay "The Way You Look At Me".

"Nakakagulat ang bilis. And I’m very happy at hopefully ay maging platinum ito," asam ni Christian.

Parang kailan nga lamang nang nagsimula si Christian at makilala siya ng husto as a finalist ng Star In A Million. Una ko siyang mapanood sa launching ng "Star In A Million" album na sobrang tinitilian ng kanyang mga fans. Unang siyang lumabas sa musical play ng Lion, the Witch & the Wardrobe kung saan siya nakapasa sa audition ng Trumphets at naging in house talent nito. Sumunod na play na sinalihan niya ang Spoliarium kasama si Robert Sena. Ang mga bossing din niyang sina Audie Gemora at Carlo Orosa ang naghimok sa kanya na sumali sa Star In A Million at dito na nagsimula ang kanyang singing career. Pero nang matalo siya sa nasabing singing contest ay nag-audition ito sa Warner Music kung saan naman naging interesado ang kompanya sa kanya at ginawan agad siya ng album.

Graduate ng kursong landscape architecture sa UP si Christian. Isang environment consultant ang daddy nito at freelance teacher naman ang mommy niya. Nagsimula siyang kumanta at the age of seven kung saan napasali siya sa children’s choir sa kanilang church.

Ang "Christian Bautista" album ay naglalaman ng 10 tracks na may mga potential mag-hit lahat tulad ng "The Way You Look At Me", (theme song ng Mangarap Ka ni Piolo Pascual) "Color Every Where," "Kailan Pa Man Ikaw," "A Way for You," "Kailan Kaya," "I Don’t Wanna to See You Cry Again," "Miracle," "Thanks To Heaven" at isang acoustic ng "The Way Why Look At Me" na release ng Warner Music.

Magkakaroon ng first solo concert ang singer na pinamagatan Christian Bautista The Way Look At Me sa July 30 sa On Stage Greenbelt, pero mauuna rito ang Nights of the Champions ngayon Sabado sa Araneta Coliseum.
* * *
Kung dati ay pawang mga restaurant lang ang inaasikasong negosyo ng D’Point Italian na parehong matatagpuan sa Roces and Examiner sts., ngayon ay pinasok na rin nila ang recording. Ito’y sa pamamagitan ng pagbuo ng Water Plus Productions na siyang namamahala sa paghahagilap ng mga talents nila.

Nung December pa sila nagpa-audition at ang resulta ay nabuo ang D’Point Kidz na binubuo ng quartet na sina Genelyn Onate, 11 yrs. old; Jennifer Maravilla, 9yrs. old; Ayssa Quijano, 10 yrs. old at Sharon Villanueva na 11 yrs. old din. Lahat sila ay dumaan sa masusi at mahigpit na audition.

Hindi na nakakapagtaka kung sila ang napili sa dami ng mga sumali sa pakontes nila dahil pawang mga Regine Velasquez at Shirley Bassey ang mga binabanatan nilang kanta. Ang "Point Kidz" album ay naglalaman ng anim na kanta "Gumalaw, Sumayaw, Humataw," "Tong, Tong Tong, Pakitong-kitong," "Telebong, Telebong," "Step No, Step Yes," "Sa Duyan Mo, Inay," at Happy Birthday to You," na mayro’n ding anim na kasamang minus one sa album.

A WAY

ARANETA COLISEUM

AYSSA QUIJANO

CHRISTIAN BAUTISTA

POINT KIDZ

STAR IN A MILLION

WARNER MUSIC

WAY YOU LOOK AT ME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with